Share

Chapter 153

Author: Luffytaro
last update publish date: 2025-05-08 09:10:58

HABANG KUMAKAIN SI Asha ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya at nang tingnan niya ito ay pangalan ni Adama ang nakalagay sa may screen kaya walang pag-aalinlangan niyang sinagot kaagad ito. Uminom na muna siya ng tubig bago siya nagsalita. “May problema ba?” bungad niya rito.

Tumikhim naman muna ito bago nagsalita. “Huwag ang mabibigla sa sasabihin ko Asha…” panimula nito at dahil ganun ang unang sinabi nito ay agad na kumabog ang dibdib niya. Hindi siya sumagot at hinintay lang ang susu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 77

    PAGLINGON niya sa likod niya ay nakita niyang nakatayo si Adam sa tabi ng pinto. Ang mga kamay nito ay nakahalukipkip at nakasandal sa hamba ng pinto. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Napuno rin ng pagkataranta ang kanyang mukha dahil paano na lang kung narinig nito ang usapan nila ng kaibigan niya? “Si, si Vanessa…” halos mauutal-utal na sagot niya rito.Nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit ba parang gulat na gulat ka kung kaibigan mo lang naman pala ang kausap mo?” napalunok siya.“E panong hindi ako magugulat? Bigla ka na lang sumusulpot.” sagot niya rito kaagad.Narinig niya ang paghugot nito ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang humakbang at lumapit sa kaniya. Hindi siya gumalaw. Inilagay nito ang kamay sa noo niya. “Kamusta na ang pakiramdam mo?” tanong nito sa kaniya.Napayuko siya. Hindi niya talaga maintindihan ang sarili niya sa totoo lang. Kaagad na namang bumilis ang tibok ng puso niya. Parang gusto na niyang isipin na abnormal na siya. Hindi niya nagawan

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 76

    NANLAKI ang mga mata ni Miri sa gulat dahil sa ginawa nito. Muling bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa ginawa ni Adam. sa totoo lang ay hindi na niya maiwasan pang magtaka kung bakit ganun na lang ang mga kilos ni Adam nitong mga nakaraan. Para itong ibang tao. “Anong ginagawa mo?” hindi niya naiwasang itanong dito. Nagsalubong ang makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kaniya. “Ano sa tingin mo? Hindi mo ba nakikita? Ang sabi mo ay hindi ka makatulog hindi ba?” tanong nito sa kaniya. “Ayaw mo ba?”“Uhm, hindi naman sa ganun pero baka mahawa ka ng lagnat.” sagot niya rito. Hindi naman maganda kung mahawa niya ito hindi ba? Baka mamaya ay sisihin pa siya nito kung sakali. Nakita niyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Adam. “I'm stronger than you think. Ang pagyakap lang sa taong may sakit ay hindi ako madaling magkasakit. Don't worry.” paniniyak nito sa kaniya ngunit nagdadalawang isip pa rin siya noong mga oras na iyon. “Hindi ko sinabing nag-aalala ako.” sagot niya rit

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 75

    SINULYAPAN niya si Adam na may hindi maipintang mukha habang nakatayo sa kanyang harapan. “Bakit hindi na lang ikaw mismo ang nagpaalis sa kaniya sa kwarto mo kaysa inutos mo pa sa kasambahay?” hindi niya napigilang itanong.Agad na umikot ang mga mata nito. “Kung ako ang umakyat doon, baka kung ano lang ang magawa ko sa kaniya.” sagot nito na hindi pa rin natatanggal ang matinding inis sa mukha.Hindi na lang siya umimik pa dahil alam niya kung gaano kainis ito sa babaeng iyon at talagang ayaw pa rin nitong sumuko. Desidido talaga itong akitin si Adam at sa totoo lang, maging siya ay naiinis na rin. Nang hindi siya sumagot ay muli siyang binalingan nito.“O gusto mo na pumunta ako doon sa kaniya?” tanong nito.Agad na umikot ang kanyang mga mata at sinamaan ito ng tingin. “Pwede ba Adam, magtigil ka nga. Sobrang sakit ng ulo ko sa totoo lang kaya wala akong lakas para makipag-away sayo.” Tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. “Talaga? Gusto mo bang tulungan kitan

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 74

    NAKITA niyang natigilan si Adam habang nakatingin sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. “Itatapon ko lang ang laman nito.” tukoy nito sa palangganang hawak. “Babalik din ako kaagad. Kahit na ganun ang sinabi nito sa kaniya ay parang nagdadalawang isip pa rin si Miri sa sagot nito. “Sigurado ka ba?” ulit niya na parang batang pinapangakuan.Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Tumigil ka nga sa kagaganyan mo okay? Masyado kang pabebe.” medyo naiinis na sabi nito sa kaniya.Wala siyang ideya kung ano ang itsura niya ng mga oras na iyon kaya tanging ang mapakagat labi na lang ang nagawa niya. Hindi niya pa rin pala nabibitawan ang damit nito at nananatiling nasa harap pa rin niya ito. “Huwag mong kagatin yang labi mo.” saway nito sa kaniya.Dahil dito ay napanguso siya ng wala sa oras. “Lahat na lang ba ng gagawin ko ay bawal?” tanong niya rito. Napabuga na lang ito ng marahas. Ano na naman kayang problema? Tanong ni Miri sa kanyang

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Authors Note

    Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po ang Title. Salamt po sa pag unawa. ~Luffytaro

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 73

    NAALIMPUNGATAN si Miri dahil sa isang malamig na bagay na dumampi sa kanyang mukha. Idagdag pa ang matinding sakit ng ulo niya ng magising siya. Hirap na hirap niyang iminulat ang kanyang mga mata. Namumungay pa ang kanyang mga mata na pinalis ang malamig na bagay na patuloy na dumadampi sa kanyang noo dahil giniginaw din siya. “Ang ginaw…” wala sa sarili niyang sabi. Narinig niya ang isang buntong hininga mula sa tabi niya. “Hayaan mong punasan na muna kita.” sabi ng isang pamilyar na tinig sa tabi niya.Nahihirapan siyang tiningnan ito. “Bakit? Bakit mo ako pupunasan?” naguguluhang tanong niya rito.“Nilalagnat ka.” sagot nito sa kaniya. “Pagkatapos mong umiyak ay bigla ka na lang nakatulog at nilagnat.” Dahil dito ay hindi siya umimik. Hindi niya akalain na lalagnatin siya dahil lang sa simple niyang pag-iyak. “Wait lang, huwag ka munang magkumot ng sobra pupunasan pa kita.” muling sabi nito sa kaniya.Sa halip ay sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis siya nitong pinigilan.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 47

    NANLAKI ANG MGA mata ni Asha nang maramdaman niyang ipinasok nito ang daliri sa loob. Hindi niya alam kung paano nito nagawang ipasok ang kamay sa loob ng kanyang hospital gown. “Tumigil ka na Lawrence…” pakiusap niya rito.Kaya lang ay ang naging reaksyon ng katawan niya ay ibang-iba sa sa lumalab

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 50

    HALOS MALAGLAG ang kanyang panga dahil sa sinabi nito. Gulat na gulat siya dahil hindi niya lubos akalain na sasabihin ni Lawrence iyon. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya rin maiwasang itanong sa kanyang isip kung kailan pa siya nakita ni Lawrence biang fiance nito? Idadag pa na pi

    last updateLast Updated : 2026-03-20
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 37

    PAGKATAPOS NG LAHAT ay dali-dali niyang pinulot ang kanyang nagkalat na mga damit sa sahig at pagkatapos ay agad na dumiretso sa kanyang silid habang patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak. Bugbog ang kanyang katawan dahil sa kanyang panlalaban at ang mga maririiing hawak ni Lawrence sa kaniya.Sa kan

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 30

    PAGTAYO NIYA AY tumayo rin si Lawrence mula sa kinatatayuan nito na labis niyang ikinagulat. Nanatili siyang nakatayo ngunit hindi siya gumalaw. “Let’s go.” sabi nito sa matalim na tinig.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. “Pupunta ka rin sa banyo?” nagtatakang tanong niya rito.“Nasa baba a

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status