LOGINBIGLANG tumaas ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Anong ginagawa mo?” tanong nito, marahil ay nagtataka sa kanyang inakto pero buo na ang loob niya na gawin ang plano niya. Hindi lang siya sumagot at sa halip ay ibinuka niya ang kanyang labi at dinilaan ang kanyang bibig para basain. Ilang sandali pa ay muli siya nitong tinanong. “Talaga bang sigurado ka na handa mong gawin ang lahat ng gusto ko?” muli nitong tanong sa kaniya na agad niya lang namang ikinatango.“Tell me, anong gusto mo.” sabi niya rito at bahagyang gumiling sa ibabaw nito at kitang-kita niya ang pagbabago ng reaksyon nito. Nagliwanag ang mga mata nito at pagkatapos ay mabilis na ngumiti.“Huwag kang maglaro ng apoy, baka hindi mo namamalayan ay natutupok ka na.” makahulugang sabi nito sa kaniya ngunit hindi niya lang ito pinansin. Sa halip ay inilagay niya ang kanyang kamay sa dibdib nito at marahang hinaplos ito doon.“Gusto kong humingi sayo ng pabor.” sabi niya rito pagkalipas ng ilang sandali. Wala na
HINDI na nagdalawang isip pa si Miri na gumalaw. Kaagad siyang tumayo, nagbihis at bumaba para umalis ng bahay. Tutal ay wala naman doon ang kanyang ama at kapatid ay sasamantalahin na niya ang pagkakataong iyon para puntahan ang lalaking isinusumpa niya. Mabilis siyang sumakay sa kotse at nagtungo sa ibinigay nitong lokasyon.Ilang minuto rin ang lumipas ay tumigil na siya sa wakas sa isang napakarangyang condo. Nang pumarada siya sa parking lot ay hindi siya kaagad bumaba ng kotse. Nanatili lang siya sa loob at pagkatapos ay kinuha ang kanyang cellphone. Mabilis siyang nagpadala ng isang text kay Adam. “I’m already here at the parking lot.”Wala pang isang minuto ay agad itong nagreply sa kaniya na tila ba kanina pa ito naghihintay. Nang buksan niya ang text nito ay agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. “You were twenty minutes late.” iyon ang nakalagay doon dahilan para umikot ang kanyang mga mata sa sobrang inis niya.“Kung may kapangyarihan lang ako, isang snap lang ng dalir
NAPATINGIN sa sariling repleksyon si Miri, nasa loob siya ng banyo ng mga oras na iyon. Dahan-dahan niyang hinaplos ang iniwang marka ng pagkakasampal sa kaniya ng kanyang Kuya. sa totoo lang ay hindi niya lubos akalain na makakatikim siya ng sampal dahil lang sa sinabi niyang iyon. Gusto niya lang naman sana itong biruin ngunit masyado itong seryoso sa buhay kaya iyon ang napala niya.Simula nang sampalin siya nito ay hindi na siya lumabas pa ng kanyang silid. Ni hindi rin siya kumain. Iyon ang unang beses na pinagbuhatan siya ng kama ng kanyang kapatid. Kahit na sabihin pang sobrang galit ito sa kaniya ay hindi niya akalain na magagawa tala siya nitong saktan.Mas lalo pang nagalit sa kaniya ang kanyang ama sa narinig, samantalang iyon pa lang ang sinabi niya. Ano pa kaya kapag sinabi niya na sa mga ito na ibinigay niya rito ang kanyang sarili mismo? E di baka hindi na lang sampal ang abutin niya sa kanyang kapatid?Habang nagkukulong siya sa kaniyiang silid ay doon niya lang na-re
AGAD na nanlaki ang mga mata ni Luke nang marinig niya ang sagot ni Adam. “What the hell is your answer?!” hindi makapaniwala itong napatingin sa kaniya at pagkatapos ay dinampot din ang kanyang baso at uminom. “Huwag na huwag mong susubukan Adam, hindi ko gusto ang pamilyang iyon.” malamig ang mga mata niyang sabi rito.Natawa lang muli si Adam dahil sa reaksyon ni Luke. “oo, don’t worry. Natutuwa lang talaga ako sa kapatid niya.” sagot niya rito.Ilang sandali pa ay muli siyang nagsalita. “Pwede mo bang alamin kung sino-sino ang mga nagmamay-ari ng mga shares sa kumpanya nila? Gusto ko kasing bumili ng shares sa kumpanyang iyon idagdag pa na balita ko ay medyo nagigipit sila ngayon.”Agad na nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit? Bakit ka bibili ng shares sa pabagsak nilang kumpanya?”Ngumiti siya. “Simple lang. Dahil interesado ako sa anak ng may ari.”“Adam! Naririnig mo ba ang sinasabi mo huh? Talaga bang matino pa ba yang utak mo o ano?” hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya
“So umuwi ka ng bansa ng hindi man lang sinasabi sa akin?” isang tinig ang nagmula sa kanyang likuran kaya awtomatiko siyang napalingon. Nakita niya ang kanyang kapatid na may malamig na mukha at papalapit sa kaniya.Agad na nagliwanag ang kanyang mukha. “Kuya!” masayang bati niya rito at tatakbo na sana siya patungo rito ngunit pinigil niya ang kanyang sarili nang makita niya ang mukha nito lalong lalo na ang mga mata nitong madilim na nakatingin sa kaniya.Sa bahay na iyon, tanging ito lang ang masasabi niyang ka-close niya pero nitong mga nakaraan ay medyo umilap na rin ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan. Pero noong mga bata naman sila ay sobra silang close, palibhasa ay sila lang ang palaging magkasama simula nang mamatay ang kanilang ina.Nakita niya ang pagtatagis nito ng bagang. “Makinig ka sa utos ni Daddy dahil para rin iyon sayo.” sabi nito sa kaniya.Biglang nanlamig ang kanyang buong katawan. Ang buong akala pa naman niya ay kakampihan siya nito para matakasan ni
KINABUKASAN, magkaharap kaming dalawa ni Vanessa sa sala nang makaalala na naman siyang magtanong. “Siya nga pala, hindi mo yata sinabi sa akin kung ano ang pinag-usapan nito kahapon ng lalaking iyon ah. Ano pa lang sabi niya? Papanagutan niya ba ang nangyari sa inyong dalawa?”Bigla siyang natawa dahil sa tanong nito ng wala sa oras. “Sa tingin mo ba talaga ay pananagutan niya ang ginawa niya?” puno ng panunuya niyang tanong. Kahit na hindi niya ito kilala personally ay alam niyang hindi ito ganung klaseng tao. “Hindi ko na iyon inaasahan pa na gagawin niya.” dagdag ko pa. Tyaka ang pag-usapan lang ang lalaking iyon ay naiinis na siya, ano pa kaya kung makita na naman niya ang pagmumukha nito.“Pero…” “Hayaan mo na.” mabilis kong putol sa anumang sasabihin niya pa. “Kung ano man ang nawala ay tatanggapin ko na lang dahil hindi ko naman na iyon maibabalik pa. Tyaka mas mainam na kalimutan na lang natin ang tungkol sa bagay na ito na para bang walang nangyari.” deklara niya. Ayaw na n







