Share

Chapter 156

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-05-13 08:11:36

NANG MARINIG NI LAWRENCE ang pagsara ng pinto at tanda nang paglabas ng dalawa sa kwarto ay bahagya na niyang idinilat ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kanina pa niya pinipigil ang sarili na hindi magpakita ng kahit na anumang emosyon kahit na halos hindi na kaya ng puso niya.

Habang umiiyak ito kanina at nagsasalita ay parang gusto niyang idinalat ang mga mata niya at yakapin ito ng napakahigpit. “Bakit mo pa kailangang itanong ang mga iyon sa kaniya? Mas lalo lang tuloy siyang umiyak.” sabi niya ay Luke na nang mga oras na iyon ay napakasama na ng tingin nito sa kaniya.

“Napakawalang puso mo talaga kahit na kailan! Buti at nasisikmura mo na makita siyang ganun huh? Sa dami ng pwede mong gawin ito pa talaga ang naisip mo na ikakasakit at ikakapag-alala niya sayo!” sunod sunod na sabi nito sa kaniya.

Napakamot naman siya sa ulo ng wala sa oras. “E wala na akong maisip pa na ibang paraan para lang bumalik sa akin ang babaeng mahal ko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 157

    DAHIL SA TAKOT ni Asha na baka matagalan siya sa kanyang paliligo ay napagdesisyunan niya na lang na sa ospital na lang siya maliligo. At bago siya umalis ay tinawagan niya muna si Vienna para sabihin dito na hindi muna siya makakapasok dahil kailangan niyang bantayan si Lawrence at ito na ang bahalang magpaalam sa kaniya. Isa pa, guso niya na kapag gumising si Lawrence ay naroon siya at makita siya nito kaagad.Binuksan niya ang pinto ng silid ni Lawrence kung saan ay nakita niya na binabantayan pa rin ni Adam at Luke. ibinaba niya ang kanyang mga dalang gamit at pagkalapag niya ng mga ito ay agad siyang lumapit sa gilid ng kama at tiningnan ang nakapikit pa ring si Lawrence. “Wala pa rin bang pag-asa na magiging na siya?” tanong niya sa dalawang habang nakatitig pa rin sa mukha ni Lawrence.“Ang sabi ng doktor kanina ay baka magising na daw siya mamaya o kaya mga bukas pa.” sagot ni Luke sa kaniya.Napakagat labi siya. “Gusto ko ng magising siya.” malungkot na sabi niya at iniisip p

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 156

    NANG MARINIG NI LAWRENCE ang pagsara ng pinto at tanda nang paglabas ng dalawa sa kwarto ay bahagya na niyang idinilat ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kanina pa niya pinipigil ang sarili na hindi magpakita ng kahit na anumang emosyon kahit na halos hindi na kaya ng puso niya.Habang umiiyak ito kanina at nagsasalita ay parang gusto niyang idinalat ang mga mata niya at yakapin ito ng napakahigpit. “Bakit mo pa kailangang itanong ang mga iyon sa kaniya? Mas lalo lang tuloy siyang umiyak.” sabi niya ay Luke na nang mga oras na iyon ay napakasama na ng tingin nito sa kaniya.“Napakawalang puso mo talaga kahit na kailan! Buti at nasisikmura mo na makita siyang ganun huh? Sa dami ng pwede mong gawin ito pa talaga ang naisip mo na ikakasakit at ikakapag-alala niya sayo!” sunod sunod na sabi nito sa kaniya.Napakamot naman siya sa ulo ng wala sa oras. “E wala na akong maisip pa na ibang paraan para lang bumalik sa akin ang babaeng mahal ko

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 155

    SA LOOB NG KWARTO ni Lawrence ay tahimik na umupo si Asha sa gilid ng kama nito at tinitigan ang napakagwapo nitong mukha na mahimbing na natutulog at naghihintay kung kailan ito magigising. Nang bumalik pala si Adam doon ay may dala-dala itong pagkain at ibinigay sa kaniya ngunit tinitigan niya lang iyon dahil wala talaga siyang gana.Nang mga oras na iyon ay wala na siyang gustong mangyari kundi ang magising lang si Lawrence dahil napakaraming bagay na gusto niyang sabihin dito. Gusto niyang humingi dito ng twad dahil sa pagiging matigas niya at balak na rin niyang sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman.Noon ay napakalupit nito sa kaniya ngunit unti-unti ay talagang nagbago ito at sinusubukang bumawi sa lahat ng kasalanan nito sa kaniya kaya doon niya napagtanto na mahal nga talaga siya nito at handa nitong gawin ang lahat para lang mapatawad niya ito pero dahil sa sobrang galit niya ay hindi niya nakita kung paano siya nito suyuin.Napahugot siya ng isang malalim na buntong hi

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 154

    NANG SAGUTIN NI ADAM ang tawag niya ay kasunod nito ang nanggagalaiting boses nito. “Damn you, Lawrence! Alam mo ba kung anong itsura ni Asha ngayon huh? Halos mabaliw siya sa labis na pag-aalala sayo!” Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Lawrence nang marinig niya sinabi ni Adam. nakonsensya rin siya bigla dahil sa mga pinaggagawa niya ngunit ng mga oras na iyon ay hindi na siya pwedeng umatras pa. Ang tanging magagawa na lamang niya ay ang ipagpatuloy pa ang mga susunod na nakaplano ng gagawin niya. Atleast kahit papano ay nalaman niya na may pakialam pa rin pala ito sa kaniya.“Kung ikaw ang tatanungin ko Adam, sa tingin mo ba ay tama itong ginawa ko?” bigla na lang niyang naitanong dito. Hindi niya alam ngunit sa isang banda ng pagkatao niya na natutuwa siya dahil hindi pa rin pala siya lubos na nabubura sa puso ni Asha. ang mag-alala lang ito sa kaniya ay labis na tuwa na ang naramdaman niya.Pero kahit na ganun ay may takot siya na paano na lang kapag nalaman ni Asha ang tungk

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 153

    HABANG KUMAKAIN SI Asha ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya at nang tingnan niya ito ay pangalan ni Adama ang nakalagay sa may screen kaya walang pag-aalinlangan niyang sinagot kaagad ito. Uminom na muna siya ng tubig bago siya nagsalita. “May problema ba?” bungad niya rito.Tumikhim naman muna ito bago nagsalita. “Huwag ang mabibigla sa sasabihin ko Asha…” panimula nito at dahil ganun ang unang sinabi nito ay agad na kumabog ang dibdib niya. Hindi siya sumagot at hinintay lang ang susunod na sasabihin pa nito. “Nabaril si Lawrence at nasa kritikal siyang kalagayan…” mahina at puno ng takot na sabi nito.Ang kutsara na nasa kamay niya ng mga oras na iyon ay nabitawan niya at kumalansing. Hindi siya nakagalaw mula sa kanyang narinig. Mali lang ba ang narinig niya? “A-anong sabi mo?” tanong niya ulit dito dahil baka namali lang siya ng rinig.“Nabaril nga si Lawrence. Pumunta ka na dito kaagad bago pa mahuli ang lahat. Ipapadala ko sayo kung saang ospital siya dinala.” sabi nito

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 152

    HALOS HINDI MAKAPANIWALA si Lawrence sa kanyang narinig mula kay Asha. pakiramdam niya ay biglang may kung ilang daan na kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya ng wala sa oras ng paulit-ulit. Halos parang hindi na siya makahinga pa.Napayuko siya at halos hindi alam kung ano ang sasabihin niya at isasagot kay Asha. “sige, kung yun ang gusto mo ay susubukan kong hindi ka na istorbohin pa.” mahina at mababa ang boses na sabi niya rito.“Hindi mo susubukan lang Lawrence, kailangan mong gawin iyon.” malamig na sabi ni Asha sa kaniya. Napakalamig ng tinig nito na para bang wala na talagang pakialam sa kaniya kahit na katiting man lang. Muli siyang nagtaas ng kanyang ulo.“Pwede bang tawagan kita paminsan minsan?” hirit niya rito ngunit mabilis pa sa alas kwatro ang sagot nito sa kaniya.“Hindi pwede.” matigas na sagot nito sa kaniya.“Pero…” susubukan niya pa sanang magsalita ngunit pinutol na nito ang mga susunod na sasabihin niya pa sana.“Ibigay mo na sa akin ang susi ng kotse.” inilahad n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 151

    ISANG MALALIM NA BUNTONG HININGA ang pinakawalan ni Asha habang nakatitig sa nakabukas na pinto ng silid ni Lawrence. Hindi niya alam pero pagod na pagod na siyang makipagtalo pa rito. Kahit na anong gawin niyang pagtanggi ay puro ang gusto lang nito ang sinusunod nito.Kahit na anong tanggi pa niya rito ay hindi siya nito pinapakinggan. Napaka makasarili nito kahit kailan. Isa pang buntong hininga ang pinakawalan niya. Naglakad siya patungo sa banyo upang maghilamos na muna at pagkatapos ay lumabas na rin siya hanggang sa may kusina. Pinaupo siya nito sa isang upuan. Kung hindi lang dahil sa susi ng kotse ay hinding hindi siya mananatili doon. Napakahirap kase ang mag commute lalo pa at napakaraming napapabalita na nire-rape kaya natatakot siya.Habang pinapanood niya ito ay hindi niya maiwasang hindi ito tanungin dahil mukhang hirap na hirap ito sa ginagawa. “Kaya mo ba talagang magluto?” tanong niya rito.“Oo naman ako pa ba? Ilang beses na akong nanuod ng cooking tutorials para l

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 150

    NAPAIRAP NA LANG siya ng wala sa oras dahil sa sinabi nito sa kaniya. Ano bang nangyayari rito at bumabanat ito ng ganun? Hindi kaya dahil sa epekto lang din ng alak na ininom nito? “Tigilan mo nga ako. Tyaka huwag ka ngang ngingiti-ngiti sa akin ng ganyan. Nakakairita sa totoo lang.” inis na inis na bulalas niya.“Bakit naman? Isa pa kasalanan mo naman ito e. Ginayuma mo yata ako kaya ganito ang epekto sa akin.” sagot naman nito na natatawa pa na mas lalo lang tuloy niyang ikinais.“Alam mo, para kang bata. Hindi ko alam kung epekto lang ba talaga yan ng alak o nagkukunwari ka lang.” sabi niya rito at sinamantala niya ang pagkakataong iyon para kuhanin ang susi mula sa kamay nito kaya lang ay dahil sa kanyang pagpwersa ay bigla na lang silang bumagsak na dalawa at napaibabaw siya sa katawan nito ng wala sa oras.Nagkatinginan sila ng ilang sandali at walang nakapagbuka ng bibig dahil sa pareho silang gulat na gulat. Nang makabawi siya ng tuluyan sa kanyang katinuan ay mabilis siyang

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 149

    INIS NA INIS niyang binuksan ang kotse at pabagsak na ipinasok ito doon. Tumingin ito sa kaniya na may ngiti ang mga mata ngunit hindi na niya ito pinansin pa at nagmadali na rin para sumakay na sa kotse. Napahugot na lang siya ng mahabang buntong hininga bago niya paandarin ang kotse.Habang nasa daan sila ay ramdam na ramdam niya ang nanunuot na mga titig ni Lawrence sa tabi niya at mula sa gilid ng kanyang mga mata ay kitang kita niya ang ngiti nito na halos gusto niyang itigil ang kotse at burahin ang ngiti nito. Ngunit sa kabila nito ay pilit niyang ikinalma ang kanyang sarili at hindi na lang ito pinansin. Hanggang sa makarating na sila sa mansyon ay nakatitig pa rin ito sa kaniya.“Nandito na tayo.” malamig na sabi niya at pinatay na ang makina ng sasakyan.Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang boses ni Lawrence sa tabi niya. “Pwede mo ba akong ihatid sa kwarto ko?” pakiusap nit sa kaniya ngunit mabilis siyang sumagot. Wala siyang balak na pumasok pa sa loob at ayaw niy

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status