Share

Chapter 154

Author: Luffytaro
last update publish date: 2025-05-09 15:08:04

NANG SAGUTIN NI ADAM ang tawag niya ay kasunod nito ang nanggagalaiting boses nito. “Damn you, Lawrence! Alam mo ba kung anong itsura ni Asha ngayon huh? Halos mabaliw siya sa labis na pag-aalala sayo!”

Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Lawrence nang marinig niya sinabi ni Adam. nakonsensya rin siya bigla dahil sa mga pinaggagawa niya ngunit ng mga oras na iyon ay hindi na siya pwedeng umatras pa. Ang tanging magagawa na lamang niya ay ang ipagpatuloy pa ang mga susunod na nakaplano ng gaga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 75

    SINULYAPAN niya si Adam na may hindi maipintang mukha habang nakatayo sa kanyang harapan. “Bakit hindi na lang ikaw mismo ang nagpaalis sa kaniya sa kwarto mo kaysa inutos mo pa sa kasambahay?” hindi niya napigilang itanong.Agad na umikot ang mga mata nito. “Kung ako ang umakyat doon, baka kung ano lang ang magawa ko sa kaniya.” sagot nito na hindi pa rin natatanggal ang matinding inis sa mukha.Hindi na lang siya umimik pa dahil alam niya kung gaano kainis ito sa babaeng iyon at talagang ayaw pa rin nitong sumuko. Desidido talaga itong akitin si Adam at sa totoo lang, maging siya ay naiinis na rin. Nang hindi siya sumagot ay muli siyang binalingan nito.“O gusto mo na pumunta ako doon sa kaniya?” tanong nito.Agad na umikot ang kanyang mga mata at sinamaan ito ng tingin. “Pwede ba Adam, magtigil ka nga. Sobrang sakit ng ulo ko sa totoo lang kaya wala akong lakas para makipag-away sayo.” Tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. “Talaga? Gusto mo bang tulungan kitan

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 74

    NAKITA niyang natigilan si Adam habang nakatingin sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. “Itatapon ko lang ang laman nito.” tukoy nito sa palangganang hawak. “Babalik din ako kaagad. Kahit na ganun ang sinabi nito sa kaniya ay parang nagdadalawang isip pa rin si Miri sa sagot nito. “Sigurado ka ba?” ulit niya na parang batang pinapangakuan.Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Tumigil ka nga sa kagaganyan mo okay? Masyado kang pabebe.” medyo naiinis na sabi nito sa kaniya.Wala siyang ideya kung ano ang itsura niya ng mga oras na iyon kaya tanging ang mapakagat labi na lang ang nagawa niya. Hindi niya pa rin pala nabibitawan ang damit nito at nananatiling nasa harap pa rin niya ito. “Huwag mong kagatin yang labi mo.” saway nito sa kaniya.Dahil dito ay napanguso siya ng wala sa oras. “Lahat na lang ba ng gagawin ko ay bawal?” tanong niya rito. Napabuga na lang ito ng marahas. Ano na naman kayang problema? Tanong ni Miri sa kanyang

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Authors Note

    Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po ang Title. Salamt po sa pag unawa. ~Luffytaro

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 73

    NAALIMPUNGATAN si Miri dahil sa isang malamig na bagay na dumampi sa kanyang mukha. Idagdag pa ang matinding sakit ng ulo niya ng magising siya. Hirap na hirap niyang iminulat ang kanyang mga mata. Namumungay pa ang kanyang mga mata na pinalis ang malamig na bagay na patuloy na dumadampi sa kanyang noo dahil giniginaw din siya. “Ang ginaw…” wala sa sarili niyang sabi. Narinig niya ang isang buntong hininga mula sa tabi niya. “Hayaan mong punasan na muna kita.” sabi ng isang pamilyar na tinig sa tabi niya.Nahihirapan siyang tiningnan ito. “Bakit? Bakit mo ako pupunasan?” naguguluhang tanong niya rito.“Nilalagnat ka.” sagot nito sa kaniya. “Pagkatapos mong umiyak ay bigla ka na lang nakatulog at nilagnat.” Dahil dito ay hindi siya umimik. Hindi niya akalain na lalagnatin siya dahil lang sa simple niyang pag-iyak. “Wait lang, huwag ka munang magkumot ng sobra pupunasan pa kita.” muling sabi nito sa kaniya.Sa halip ay sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis siya nitong pinigilan.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 72

    “HINDI ba at binalaan na kita? Bakit hindi ka nakinig sa akin?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Pwede ba River. Stop ordering me around okay? Ngayon at nakuha niyo na ang gusto niyo, we can now cut ties completely. Ayoko ng bumalik pa sa pamilyang nagtulak sa akin sa impyerno dahilan para magkandaleche-leche ang buhay ko.” walang prenong sabi niya rito. Punong-puno na siya sa totoo lang.“How can you say that Miri? Kapatid kita so how can I cut ties with you?” “Why not? Katulad nga ng sabi ko ay tapos na ang obligasyon ko. Naibalik na sa inyo ang dapat na ibalik sa inyo. Isa pa, buo na ang desisyon kong huwag ng bumalik pa sa bahay at kahit na wala na akong matirhan pa ay hinding-hindi na ako magmamakaawa pa sa inyo na tulungan ako.” “Miri, ano bang kalokohan yang sinasabi mo?” “Ipapadala ko na lang sayo ang mga dokumento kaya huwag mo na akong tawagan pa. Ayoko ng makipag-usap sayo at ikaw na lang din ang magsabi kay Dad ng sinabi ko sayo.” sabi niya at mabilis na ibinaba ang n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 71

    MAKALIPAS ang ilang minuto ay muling biglang nagsalita si Adam. “magbabakasyon ako sa Boracay at kailangan mong sumama sa akin.” Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “At bakit ko naman kailangang sumama sayo?” puno ng pagtatakang tanong niya.Sinulyapan siya nito at puno ng pagdududa ang mga mata. “Malamang na kapag iniwan kita ay susubukan mong tumakas kaya wala akong pagpipilian kundi ang isama ka kahit na ayoko sana.” Naging malamig ang kanyang mga mata at halos hindi na niya malunok pa ang kanyang kinakain. “Kung labag din naman pala sa kalooban mo na isama ako e di iwan mo na lang ako dito. Magiging istorbo lang ako sayo doon tyaka kung natatakot ka na baka takasan kita e di pabantayan mo na lang ako sa mga tauhan mo. anong ginagawa nila e napakadami nila hindi ba?” medyo naiinis ng tanong ko sa kaniya.Isang buntong hininga lang ang pinakawalan niya. “Masyado silang busy kaya wala silang oras na bantayan ka.” hindi talaga ito nauubusan n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 38

    HABANG KASAMA NIYA si Lester, kahit papano ay nakalimutan niya si Lawrence. Katatapos lang nilang manood ng sine ng mga oras na iyon at palabas na sila sa sinehan nang tanungin siya nito. “Saan mo susunod na gustong pumunta?” tanong nito sa kaniya.“Hindi ko alam. Parang gusto ko ng umuwi…” hindi n

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 43

    HALOS MAPASIGAW siya sa matinding sakit nang bigla na lamang siya nitong ibinagsak sa may kama. Hindi ganun kalambot ang kama nito. Ang tinamo niyang sakit kanina ay para bang dinoble pa lalo at parang magkakahiwa-hiwalay ang parte ng kanyang katawan. “Kung sinagot mo na kasi kanina pa ang tanong k

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 39

    SINUBUKAN KONG hilahin ang aking kamay ngunit sadyang mahigpit talaga ang hawak niya rito. Ang nakakapagtaka lang ay habang sinusubukan niyang iwasan ito ay parang ito naman ang ayaw umiwas sa kaniya. Napakagulo nito. “Bitawan mo na ako Lawrence. Kailangan ko ng magpahinga.” may himig na ng pakiusa

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 35

    SA TOTOO LANG ay wala sana siyang balak na kausapin ito at akmang lalampasan na lang niya ito nang bigla na lang itong nagsalita. “Narinig mo naman siguro ang sinabi ni DAddy na alagaan kita hindi ba?” tanong nito sa kaniya.“Oo.” kaagad niyang sagot dito at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng mansyo

    last updateLast Updated : 2026-03-19
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status