KINAUMAGAHAN, nang magising si Miri ay nakita niya ang lalaking nasa tabi pa rin niya. Napatitig siya sa mukha nito at bigla na lang niyang naramdaman na bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Abnormal na nga yata talaga ito dahil palagi na lang itong tumitibok ng mabilis sa tuwing nakikita niya ang lalaki at magkalapit silang dalawa. Sa tuwing may nangyayari sa kanilang dalawa ay nagigising siyang katabi niya pa rin ito. Bukod pa doon ay hindi niya akalaing ang walang pusong ito ay inalagaan siya noong may sakit siya. Akala niya noon ay nakikita lang siya nito bilang anak at kapatid ng mortal nilang kaaway at ginagamit lang siya para sa mga bagay na nakakapagpasaya rito ngunit minsan ay naiisip niya kung ginagawa na nga ba talaga nito ang lahat ng iyon dahil sa bagay na iyon? Naramdaman niya na bahagya itong gumalaw kaya mabilis siyang bumangon. Ayaw niyang mahuli siya nitong nakatitig sa mukha nito dahil baka kung ano na naman ang isipin nito, mahirap na. Ilang sandali pa ay n
Read more