Share

BOOK2: Chapter 84

Penulis: Luffytaro
last update Tanggal publikasi: 2026-08-07 10:59:17

NAPAKAGAT labi si Miri. “bakit mo tinatanong? Kailangan bang may dahilan ako para uminom huh?” asik niya rito.

Ngunit nagulat siya nang muli itong magtanong. Ang mga mata nito ay kumislap habang nakatingin sa kaniya. “O uminom ka dahil lang nakita mo akong may kasamang ibang babae?”

Natigilan siya sa kanyang narinig. Ibig sabihin ay nakita siya nito kagabi? Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay ni Miri ng mga oras na iyon. Ano pang ihaharap niyang mukha dito? Kahit na magsinungaling siya ay t
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 94

    HINDI akalain ni Luke na iyon ang magiging sagot sa kaniya ni Adam. ang totoo ay buong akala niya ay itatanggi nito ang lahat pero hindi. Para na rin nitong kinumpirma ang sinabi niya. Hindi siya makapaniwalang napatitig dito.“Adam… sigurado ka ba? I mean…” napailing siya. Hindi pa rin siya makapaniwala. Paano nangyari ang lahat ng ito? “Tyaka, sa dami ng babaeng dumaan sayo… hindi pa kita nakitang nagkaganyan? Don’t tell me you’re in love with her already?” Napakuyom naman ang kamay ni Adama nang marinig niya ang sinabi sa kaniya ni Luke. ayaw niya mang aminin ang totoo pero, parang iyon na nga ang nangyari. Ano pang magagawa niya ngayon? Nag-iwas siya ng tingin at napasandal na lang ng wala sa oras sa sofa bago napatingala. “Hindi ba at ikaw na rin ang nagsabi sa akin na iba siya? At katulad ng kinakatakutan mo… yes, damn it!” pag-amin niya.“Wait… wait wait… seryoso ka ba talaga?” hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya. Ganun ba talaga kahirap paniwalaan iyon? Napa buntong hi

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 93

    WALANG pagpipilian si Adam kundi ang pumunta sa ibang bansa kahit na ayaw niya sana. Kung mayroon man siyang ayaw puntahan ay iyon ang bahay na iyon kung saan nakatira ang kanyang ama pero wala siyang choice kundi ang pumunta doon. “At ngayon ka lang talaga nagpakita? Ang tagal tagal na kitang tinatawagan!” iyon kaagad ang bumungad sa kaniya pagkapasok niya sa loob ng bahay. Naging malamig ang kanyang mga mata. “May ginawa ako.” walang gana niyang sagot dito. Dumilim ang mukha nito. “May ginawa o naging busy ka na naman sa babaeng iyon?” puno ng panunuya na tanong nito sa kaniya.Nagtagis ang mga bagang niya. Ewan niya ba pero nitong mga nakaraan, kapag naririnig niya na ganun ang sinasabi patungkol kay Miri ay naiinis siya. Kung dati ay wala lang siyang pakialam, ngayon ay nagagalit na siya at naiirita. Kung hindi lang ang ama niya ang nagsabi nun, baka kanina pa ito nakahandusay sa sahig.“Pwede bang let’s go don to business.” umupo siya sa sofa. Sa harapan niya ay may dalawang

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 92

    ILANG araw din silang naging sweet sa isat-isa ni Adam hanggang sa tuluyan nang dumating ang araw kung kailan kailangan ng umalis nito patungo sa ibang bansa. Sa totoo lang, hindi maiwasan ni Miri na hindi matakot ng bahagya pero dahil sa ilang araw nilang pagsasama ay medyo naging panatag naman ng kaunti ang nararamdaman niya lalo na at pauulit-ulit na sinisiguro sa kaniya ni Adam na wala siyang dapat ipag-alala. Bukod pa doon ay narinig niyang nag-uusap ito at si Luke, ang kakambal nito at narinig niyang sinabi ni Luke rito na “binalaan kita hindi ba?” pero hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Sabay na umalis ang dalawa. Pag-alis na pag-alis ni Adam ay kaagad niyang tinawagan si Vanessa. Paano ba naman ay hindi niya maiwasang hindi mag-overthink. Nilalamon na siya ng kung ano-ano na paano na lang kung hindi pumayag ang ama nito sa gusto ni Adam? Paano na lang kung pilitin at takutin ito at marami pang iba. Kahit na may tiwala siya rito ay hindi niya pa rin talaga maiwas

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 91

    MABUTI na lang at bnitawan din naman siya nito kaagad. Tinalikuran niya ito. Wala naman siya gaanong damit at mga gamit na kailangang iimpake dahil kaunti lang naman ang dala niya noon noong pumunta siya rito. Umupo ito sa kanyang kama at pinanood siyang mag-impake. Hindi nagtagal ay bigla siyang natigil nang marinig niya itong magsalita. “Siya nga pala, next week ay may kailangan akong gawin.” sabi nito at alam na niya kaagad kung ano ang tinutukoy nito. Ang engagement nito. Hindi siya sumagot at nanatili lang na tahimik. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa pero ang totoo ay kumikirot na namana ng dibdib niya. Kahit na siniguro na nito sa kaniya na siya lang ang gusto nitong makasama ay hindi niya pa rin maiwasang hindi magkaroon ng agam-agam. “Kung gusto mong makipagkita sa kaibigan mo ay pwede kang pumunta. Hindi mo na kailangan pang magpaalam sa akin.” muling sabi nito sa kaniya. Nagtagis ang mga bagang niya at naging malamig ang kanyang mga mata. Napahigpit ang hawak niya sa d

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 90

    PAGKAGISING ni Miri ay ang una niyang hinanap ay si Adam ngunit wala ito sa tabi niya. Bigla siyang napaupo sa kama ng wala sa oras. Napapaisip siya kung totoo ba ang lahat ng nangyari kagabi o panaginip lang ang lahat ng iyon. Ngunit habang nag-iisip ay bigla na lang bumukas ang pinto. Pumasok doon ang lalaking hinahanap niya. “Kanina ka pa gising?”“Kagigising ko lang.” maikling sagot niya kasabay ng pag-iwas niya ng tingin dito. Hindi niya alam kung anong dahilan pero bigla na lang nag-init ang kanyang mga pisngi dahil sa kilig nang bumalik sa alaala niya ang mga nangyari kagabi.Kinikilig siya, shit.Ilang sandali pa ay nakita niyang iniikot-ikot nito ang braso nito na para bang ngalay na ngalay. “Alam mo bang buong gabi kang nakaunan sa bisig ko?” napakagat labi siya. Ibig lang sabihin ay hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi kundi totoo ang lahat.“Pa-pasensya na…” halos mautal na sabi niya.Umupo ito sa tabi niya habang nakakunot ang noo. “Why are you asking sorry?”

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 89

    SINUBUKAN ni Miri na panatilihing kalmado ang kanyang ekspresyon hanggang sa tuluyan na siyang makarating sa kanyang silid. Ayaw niyang ipakita sa babaeng iyon na naaapektuhan siya sa mga sinabi nito. Nagmamadali siyang pumasok sa kanyang silid at pagkatapos niyang maisara ang pinto ay ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama at doon na na bumuhos ang mga luhang kanina niya pilit na pinipigilang bumagsak. Para itong isang ilog na walang balak tumigil. Bukod pa doon ay parang may nakabara sa lalamunan niya at nahihirapan din siyang huminga. Ang kanyang dibdib ay parang pinipiga. Binalot ng lungkot ang buong pagkatao ni Miri.Kung gusto na siyang pakawalan ni Adam ay hindi na siya nito kailangan pang itaboy dahil magkukusa siyang umalis. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakadapa sa kanyang kama hanggang sa tuluyang humupa ang nararamdaman niya.Ilang sandali pa ay napapunas siya sa kanyang pisngi. Sa wakas ay tumigil na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Ilang beses siy

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 60

    NATAHIMIK siya sandali. Dahil na rin sa sobrang saya niya na inisin ito ay halos nakalimutan na niya ang tungkol sa bagay na iyon. “Sa tingin mo ba ay matutuwa ang iyong ama kapag napabalita na ang nag-iisa niyang anak na babae ay pumupunta sa ganitong klaseng lugar?” muli niyang narinig ang tinig

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 44

    HABANG naglalakad si Miri ay hindi niya maiwasang matutulala, napapaisip siya kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi sa kaniya ni Damon. Pagdating niya sa loob ay agad niyang iginala ang kanyang tingin at nakita niya si Adam at may isang babaeng nakaupo sa kandungan nito. Doon niya lang naintindih

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-03
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 38

    UMUWI si Miri sa bahay ni Adam gamit ang bagong bili niyang sasakyan. Bago nito ibaba ang tawag kanina ay sinabihan siya nitong umuwi na ngunit mukhang hanggang ngayon ay wala pa rin ito doon dahil wala pa rin ang kotse nito.Pagbaba niya ng sasakyan ay kaagad na lumabas si Lira sa loob ng bahay pa

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 29

    ISANG LINGGO na ang mabilis na lumipas at dahil bored na bored si Miri sa bahay ni Adam ay tinawagan niya ulit si Vanessa kahit na iyon na ang pangalawang pagtawag niya rito. Niyaya niya itong pumunta sa club. Sa totoo lang ay wala siyang ibang hiling kundi sana ay manatili sa ibang bansa si Adam

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-02
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status