HINDI ito sumagot sa kaniya. Ilang sandali pa ay humugot ng malalim na buntong hininga si Miri. “sa totoo lang, sa ginagawa mong yan ay para mo akong kabet.” iyon kasi ang nararamdaman niya talaga kaya normal lang naman siguro na sabihin niya ang nararamdaman niya rito hindi ba?“Miri, hindi ba at sinabi ko na sayo ang lahat? Hindi mo pa rin ba naiintindihan iyon? Isa pa, kung ganyan ka ng ganyan ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mawalan ng silbi ng lahat ng ginagawa ko ngayon.” hinaplos nito ang kanyang pisngi bago tuluyang pinisil. “Kaunting tiis na lang okay?”“Tyaka, mukha yatang kulang pa ang ginawa natin kagabi…” ngumisi ito na mabilis niya namang ikinailing.“Tumigil ka!” saway niya rito. Napa buntong hininga siya. Naging seryoso ang kanyang mukha na nakatingin dito. “Alam mo naman na nagtitiwala ako sayo hindi ba? Wala ka naman sigurong planong lokohin ako diba? Wala naman sigurong planong sirain ang tiwala ko hindi ba?” Tumango ito. Naging seryoso din ang mukha nit
Read more