PROBLEMADO ANG MUKHANG napakamot na sa kanyang ulo si Sheena sa katanungang iyon ng kaibigan. Hindi na niya alam kung paano niya pa aaluin ito. Magaling naman itong magdesisyon, natatakpan lang ng pagmamahal kay Roscoe kung kaya naman para siyang natatanga sa mga galaw at desisyon niya sa ngayon.“Tigilan mo ng aksayahin ang oras mo sa kanya. You are brave and passionate, and you have done well enough. Hindi si Roscoe ang tamang lalaki para sa’yo. Tanggapin mo na lang ang bagay na iyon ng makausad ka naman kahit papaano, okay?” patuloy ang hagod niya sa likod nito upang kalamayin ang sarili.Kumalat na ang ibang make up nito dala ng kanyang pag-iyak. “Paano ko nga iyon gagawin?” “Isipin mo na hindi ka niya mahal. Akala ko ba tanggap mo na? Tinatanggap mo na hindi talaga kayo, so ano ang iniiyak-iyak mo? Deserved mong mahalin ng tamang lalaki at hindi si Roscoe iyon, Everly. Gets mo ba?” Inabutan na niya ng tisyu ang kaibigan na agad naman niyang tinanggap upang punasan ang mukha ni
Terakhir Diperbarui : 2025-05-30 Baca selengkapnya