KINUHA NI EVERLY ang kanyang cellphone at may tinawagan na police station. Humingi siya dito ng tulong. Pagkababa noon ay nakita na siya ng lalaki na mas malaks na sumigaw kung kaya naman mas nakaagaw iyon ng pansin. “Idi-discharge mo ang asawa ko ngayon din sa hospital na ‘to o may magbubuwis ng buhay sa loob ng hospitala na ito?!” Kalmadong hinarap siya ni Everly. Inutusan ang malapit na nurse na sundin ang hiling nito. “Pero Doctor Golloso—” “Makinig ka sa akin.” Nagkukumahog na sumunod ang nurse sa kabila ng kanyang takot. “Now dalhin mo ako sa asawa ko! Hindi ako naniniwala na papayagan mo kaming umuwi.” “Okay, sumunod ka s aakin at dadalhin kita sa kanya.” kalmado pa rin ang boses ni Everly pero ang iba sa kanila ay halos maihi na sa takot, may ibang plano si Everly at pinapalakad niya lang ang lalaki sa bitag bago niya ito doon ihulog.Nagdududa man ay sumunod pa rin ang lalaki kay Everly na puno ng pananantiya ang mga hakbang niya. “Subukan mo akong lokohin, ibabaon ko
SINULYAPAN NA NI Everly ang kanyang cellphone. Bahagya siyang nagtaka nang makitang wala man lang message si Roscoe sa kanya upang madaliin siyang umalis. Naisip niya tuloy na baka iniisip nitong nagdadahilan lang siya noon.“Hays, papasok na muna ako sa trabaho Mommy.” Kinuha na ni Everly ang kanyang bag at lumabas ng silid. Nawala na sa kanyang isipan ang kumain ng agahan. Hindi naman sumunod ang ina na inayos pa ang lagay ng kanyang silid. Nang mapagod ay tumawag na siya ng maid upang ituloy iyon. Nagbabaka-sakali lang siyang makikita niya ang hinahanap na ID ng kanyang anak, ngunit nabigo pa rin siya.“Nakakainis…” bulong-bulong ni Everly habang papalabas ng gate ng kanilang mansion. Natanaw na niya ang sasakyan ni Roscoe at maging ang bulto ng kanyang katawan. Pinagbuksan siya nito ng pintuan. Roscoe was dressed in a suit and tie, with an expensive watch on his wrist, his black hair was neat and tidy, and he exuded an indescribable nobility. Iyong tipong handang-handa ito sa lu
BINIGYAN SIYA NI Roscoe ng ngiting hindi man lang umabot sa kanyang mga mata na hindi nakalagpas sa paningin ni Everly. Ganun pa man ay hindi niya iyon pinansin. Nagkunwari na lang ang babae na walang nakitang ganun sa asawa.“Nine o clock?” tanong ni Roscoe na kinukumpirma kung anong oras niya ito susunduin sa kanila.Malapad ang ngiting iniiling ni Everly ang ulo. “Hindi mas maaga, eight o clock.” “Ang aga naman.” “May trabaho ako kaya maaga na akong gumigising ngayon.” “Okay sige, bukas na lang.” Naghiwalay silang dalawa ngunit hindi napansin ni Everly na nahulog ang kanyang ID na printeng pinulot naman ni Roscoe. Isinilid niya iyon sa kanyang bulsa sa halip na tawagin ang kanyang asawa upang isauli niya iyon. Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Anuman ang mangyari ay hindi niya sasabihin sa asawa ang ID nito na nasa kanya. Maging masama man siya sa paningin nito, wala siyang pakialam. Magkukunwari siyang walang alam doon.“Talaga ba? Seryoso ka na diyan sa p
NAIKUYOM NI ROSCOE ang kanyang dalawang kamao sa ilalim ng mesa na nakapatong sa kanyang tuhod dala ng matinding tensyon na kanyang nararamdaman habang nakaupo doon. Marami siyang nais na sabihin kay Everly. Tutulan ang lahat ng sinabi nito. Pabulaanan ang lumabas sa bibig ng asawa dahil nasanay siya ditong siya ang mahal, ngunit ni isang salita o kahit ibuka man lang ang kanyang bibig upang umalma ay hindi niya rin noon magawa. Tila may pumipigil sa kanyangn gawin ang bagay na iyon ngayon.“Tatlong taon ko siyang ikinulong sa aking tabi, na alam kong mahirap para sa kanya kaya ngayon palalayain ko na siya.” Pagkasabi noon ay uminom na si Everly ng kape niyang order upang tunawin ang bikig sa lalamunan niya. Kung hindi niya gagawin ang bagay na iyon ay pihadong maiiyak siya. Hindi niya pwedeng gawin iyon sa harapan nilang tatlo. Kung sakali na iiyak siya, doon sa walang nakakakita. Hindi na siya mahina ngayon.“Everly, sigurado ka na ba talaga sa gusto mo?” ang ina naman iyon ni Rosc
SA LABAS NG opisina ay hindi magkamayaw ang pang-uusisa ng mga katrabaho nila kung ano ang ginagawa ng pamilya ni Mr. De Andrade doon. Hindi rin nila magawang makapag-meeting bago ang simula ng trabaho kung kaya naman itinaboy na lang sila ni Dorothy na pumunta na sa kanilang work station at huwag ng makiusisa kung anong dahilan bakit may bisita. Sinunod naman ito ng mga iyon.“Hija, pasensya ka na kung ang aga ay narito kami.” hingi ng paumanhin ni Donya Kurita na ginagap ang isang kamay ni Everly.“Ayos lang po, pero sana sinabihan niyo ako dahil oras po ito ng trabaho ko. Kung tungkol pa rin po sa pinag-usapan natin sa phone ang pinunta niyo dito, hindi na po magbabago ang isip ko Lola. Pasensya na po kayo…” Iniiling ni Donya Kurita ang kanyang ulo. Hindi siya naniniwala na basta na lang nitong mapapalitan ang apo. Saksi siya kung gaano iyon kamahal ng babaeng kaharap. Imposible na sa isang iglap ay basta na lang maglaho ang pag-ibig nito.“Hija—”Bago pa iyon tuluyan matapos ng m
BAGO PA MULING may makapagsalita kina Everly at Roscoe ay may babaeng nagsalita na sa kanilang gilid. “Anong ginagawa niyo ditong dalawa?” Sabay na napalingon ang mag-asawa upang tingnan kung sino iyon. Si Lizzy. Nakahalukipkip ang kanyang dalawang braso. Dismayado na ang mukha habang salitan silang tinitingnan. Kinagat pa nito ang labi na animo ay nagpipigil na mapahikbi. Sa loob ni Everly ay sobrang kaarte’han at drama talaga ng babae. “Kaya mo ba ako dinala dito Roscoe para maghapunan ay dahil alam mong si Everly at ang date niyang si Harvey?” Binitawan ni Roscoe si Everly at hinarap na si Lizzy na kung umasta noon ay akala mo siya ang legal nitong asawa. “No, it's just a coincidence, Lizzy.” Marahang hinimas ni Everly ang kanyang braso na mahigpit na hinawakan ng asawa. Sa higpit noon feeling pa niya ay papasa ito pagkaraan ng ilang sandali. Walang humor na tiningnan na niya ang dalawa. Dapat hindi nag-doctor ang babae, dapat nag-artista na lang ito dahil sa galing niyang