Ngumiti ang madre at saka bumaling kay Kira, “Handa na raw siyang umalis, hija. Mukhang excited na excited na si Leona na maging parte ng buhay mo.” “Mukhang gano'n nga po,” sambit ni Kira at saka tumayo. “Maaari na po ba kaming umalis, Mother Superior?” “Sandali, pirmahan mo muna ang mga ito." Iniaro ng madre ang ilang mga dokumento kay Kira. “Ako na ang bahalang mag finalize ng mga ito. Tulad ng sabi ko kanina, wala ka ng aalalahanin pa once na matapos ko ito. Ikaw na ang magiging legal guardian ni Leona. It will take at least nine months to complete the process. Mabilis lang naman ang siyam na buwan. Huwag kang mag-alala, kahit hindi pa tapos ang proseso ay maaari mo nang iuwi ang bata. Ako na ang bahala sa lahat.”"Sige po. Maraming salamat,” ani Kira. Pinirmahan niya agad ang mga forms na inihayin sa kaniya ng madre. “P'wede na po ba kaming umalis ngayon?" tanong niya matapos niyang pirmahan ang lahat ng papeles “Oo, naman. Ihahatid na namin kayo sa entrance,” wika ng madre at
Last Updated : 2025-07-17 Read more