PAGPASOK nina Leon at Austin sa opisina ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Austin. Hindi pa nakakaupo si Leon ay tumikhim na agad siya para makuha ang atensyon ni Leon.“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Chairman–” “Maupo ka muna. Ayaw ko namang maging bastos at hindi ka ayaing umupo.” Umiling si austin. “Hindi naman po ako magtatagal kaya ‘wag na kayong mag-abala pa. Anyway, nais ko lang magtanong sa iyo tungkol sa nangyari sa iyo, limang taon na ang nakalilipas. Naaalala mo pa ba ang nangyari noon?” Kumunot nag noo ni Leon. “Five years ago? Anong ibig mong sabihin?” “Uulitin ko, naaalala mo pa ba ang nangyari sa iyo limang taon na ang nakakaraan?” mariin ngunit malumanay na tanong ni Austin. Nais malaman ni Austin kung may naaalala ba si Leon sa nangyari. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Leon. “Napakaraming nangyari sa akin, five years ago. Paano ko malalaman kung alin doon ang tinutukoy mo? Isa pa, bakit ka ba interesado tungkol sa buhay ko?” Nagtaka si Leon at kung ano-
Last Updated : 2025-07-23 Read more