Chapter 235Lumapit ako sa kanya, unti-unting inilapit ang aking mukha sa duguan niyang pisngi. Kita ko ang pagtitiis niya sa sakit, pero hindi siya kumikibo."Sabihin mo, anong pakay mo?" malamig at madiin kong tanong. "Bakit ka pa bumalik kung saan ka nakatago?"Tahimik lang siya sa loob ng ilang segundo. Pero bigla siyang napangiti, isang ngiting puno ng panlilinlang at kasinungalingan."Hindi ako bumalik para sa'yo, Montero. May mas mataas pa akong sinusunod ngayon. Hindi mo ako kalaban dito," bulong niya, kasabay ng mabigat niyang tingin.Napapikit ako sandali, pinipigilan ang bugso ng galit. Hinawakan ko ang kanyang panga at nilapit ang mukha ko sa kanya."Kung hindi ikaw ang kalaban, edi sino? Andrade? O may bago na namang hayop sa likod ng lahat ng ito?"Hindi siya sumagot. Pero ang bahagyang pag-igik niya sa sakit ay sapat na para malaman kong may tinatago siya."Ilabas ang mga gamit," utos ko sa mga tauhan ko. "Hindi pa ito tapos, Seleska. Hangga't hindi mo sinasabi ang toto
Huling Na-update : 2025-05-26 Magbasa pa