Chapter 301Napakamot si Miguel sa ulo, malinaw ang pagkabigla at kaunting pagkabahala sa mukha. Halatang hindi sanay sa ganitong klaseng tanong mula sa kanyang ina, at lalo na’t ang buong opisina ay parang isang entablado ng isang pelikula. Habang nagsasalita ang kanyang ina, naramdaman ko ang bigat ng sitwasyon, parang ako na lang ang naiwan sa pagitan ng mag-ina na ito."Mom, hindi ko pa kailangan ng pamilya!" sagot ni Miguel, medyo nangingiti na parang pilit na pinapalakas ang loob. "Hindi ba’t nagsimula lang ako bilang acting-CEO?"Sumimangot ang ina ni Miguel, ang mga mata nito ay nag-aalangan at puno ng panghihinayang."Oo nga, acting lang ang title mo, pero hindi mo ba naiisip na baka mamaya mag-acting-acting ka na lang hanggang pagtanda mo? You’re almost 30 na, anak. Kung ako sa’yo, maghanap na ng girlfriend, at baka dito pa sa secretary mo!" sabay turo sa akin na ngayo'y hindi ko na alam kung paano mag-react.Pilit kong iniiwasan ang mga mata nilang pareho, pero sa loob ko,
Last Updated : 2025-05-13 Read more