Chapter 422Nais ko siyang yakapin, ngunit pinigilan ko muna ang sarili ko. Hindi ito ang oras para sa emosyon—hindi pa ligtas ang paligid. Alam kong anumang sandali ay maaaring muling sumiklab ang putukan, at hindi ko hahayaang may isa man sa amin ang mabiktima.Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok ang matagal ko nang pananabik na muling madama ang yakap niya. Saka na… kapag sigurado na akong wala nang banta, kapag makakaalis na kaming apat sa impiyernong lugar na ito.Sa ngayon, mahigpit kong hinawakan ang armas, habang ang mga mata ko’y patuloy na gumagalugad sa paligid—handa sa kahit anong mangyari."Let's go, doon tayo dadaan," mariing wika ni Papa Elias, ang boses niya ay mababa ngunit puno ng awtoridad.Walang alinlangan, agad na kumilos sina Cherie at Demon, mabilis na sinundan ang direksyong tinuro niya. Ako man ay sumabay na rin, pinipilit na huwag magpaiwan kahit naninikip pa ang dibdib ko sa dami ng mangyayari at emosyon na nararamdaman.Habang tinatahak namin ang mak
Last Updated : 2025-08-14 Read more