Chapter 441Jacob POVHabang pinagmamasdan ko si Jasmine na kausap ang dalawang babae, hindi ko maiwasang mapangiti. Ganito siya palagi—mapagbigay, maunawain, at may puso para sa iba. Kahit hindi sila natanggap bilang yaya, hindi niya hinayaang umalis ang mga ito nang walang pag-asa.“Manang Belen,” tawag ko matapos makita ang pagluha ng dalawa. “Pakisamahan mo na rin sila, ipakita mo kung saan sila titira at ano ang magiging gawain nila sa mansion.”“Opo, Sir,” sagot agad ni Manang Belen, at saka pinatango ang dalawa. Kitang-kita ko ang tuwa at pasasalamat sa kanilang mga mata habang sumusunod.Paglingon ko kay Jasmine, nandoon pa rin ang ngiti sa labi niya. Lumapit ako at hinawakan siya sa balikat. “Mahal, minsan naiisip ko, baka mas mabuting ikaw na lang ang CEO. Mas marunong kang mag-handle ng tao kaysa sa akin.”Napahalakhak siya at pinandilatan ako. “Naku, wag kang ganyan, Mr. Montero. Isa lang akong dating secretary na naging asawa ng boss.”Umiling ako at saka hinalikan siya s
Last Updated : 2025-08-23 Read more