CHERRYAgad akong isinugod ni Reynan sa Hospital nang sumakit ang puson ko. Mabuti na lang, mild complication lang.“Dra. Cherry, iwasan mong mapagod. Hindi porket malakas ang kapit ni baby, magpapabaya ka na,” sermon sa akin ng OB ko—kaibigan ko at kasamahan sa hospital. Pero para kay Reynan… kahit narinig niya mismo ang sinabi ng doctor, para sa kanya ay katapusan ng mundo.Simula nang mangyari ‘yon, hindi na lang siya asawa ko, bodyguard na rin. Hindi… mas malala pa—parang security guard na on-duty twenty-four hours!Konting galaw ko lang, natataranta na. Maging pag-ikot ko sa kama, alerto siya.Kada hikab ko, nakabantay.Uubo lang ako, parang handa na siyang isugod ako sa ER.“Asawa ko, dahan-dahan…” Ayon na naman siya.“Reynan, magbabanyo lang ako… iihi lang…” sabi ko.Pero siya? Imbes na alalayan lang akong maglakad, binuhat pa talaga ako hanggang banyo. Maging pag-upo ko sa toilet bowl, nakaalalay siya.“Talagang panonoorin mo akong umihi?” Parang naiirita kong tanong. Pero an
Huling Na-update : 2025-07-10 Magbasa pa