Hindi ko alam kung alin ang mas malakas — ang tugtog ba na naririnig namin o ang lakas ng kabog ng puso ko habang nakatingin kay Eliezar. Hindi ko pa lubos na na-process sa utak ko ang huling nasabi niya. Pero sana… sana nga, kung magkita man kami ulit, pareho pa kaming malaya at handa nang magmahal.“Eliezar,” tawag niya, sabay abot ng kamay. “Dance with me.”Napailing ako. Napatitig sa kamay niya. “Before I leave, let me dance with you…”Ngumiti ako. “Sure…” sagot ko, sabay hawak sa kamay niya.Kasama ang ilang bisita at syempre ang bagong kasal, sumayaw kami. Pareho kaming tahimik, hinayaan ang aming sarili na maanod sa mabagal, malambing na musika. At ewan ko ba, parang kaming dalawa lang sa mundo.Napatingala ako sa kanya. Hindi kasi mawala ang ngiti niya. “Mas gwapo ka kapag nakangiti.” “I don’t usually smile like this,” bulong niya. “Siguro kaya ako ganito, kasi kasayaw kita…” “Talaga?” sagot ko. Tumango siya.Inilipat ko na lang ang pisngi ko sa dibdib niya, sinasabayan
Huling Na-update : 2025-10-14 Magbasa pa