Tahimik si Cherry sa tabi ko habang binabagtas namin ang kalsada pauwi. Gabi na, madilim ang paligid, tanging ilaw ng mga poste at headlights ng ibang sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa daan. Nakapikit siya, pero alam kong gising pa siya. Malalim ang kanyang paghinga, pero alam kong mabigat ang loob niya kasi nagsinungaling siya. Kabisado ko na ang pattern ng tulog niya. Nararamdaman ko kapag hindi siya kumportable o may iniisip siya. Hinayaan ko siya. Kahit gustong-gusto kong itanong kung bakit siya nagsinungaling. Kung bakit niya tinanggap ang bulaklak. Kung bakit hindi siya umiwas kay George. Kaya lang, takot akong marinig ang katotohanan na baka, may nararamdaman pa siya sa lalaking 'yon. “Cherry, gising na…nandito na tayo,” mahinahong pukaw ko sa kanya. Saglit ko lang siyang tiningnan, bago bumaba. Aakma sana akong iikot para pagbuksan siya ng pinto, ngunit dumating si Leo at pinagbuksan si Cherry. Sabay na rin niya kaming binati. “Magandang gabi, Leo,” sagot ni Cherr
Terakhir Diperbarui : 2025-06-16 Baca selengkapnya