"Sa tingin mo, may kinalaman kaya ang mga nangyari kila James sa kaniya?""Oo nga ano, parehong nabugbog at basag ang mukha... sa tingin mo may secret lover kaya siya?"Pinilit balewalain ni Sonia ang mga naririnig. Alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. She was questioned by the police too, sinabi niya ang nangyari pero walang anggulong magdadamay sa kaniya sa mga nangyari sa mga ito.Sinubukan niyang ngumiti. Makipag-usap ng normal. Pero unti-unti na rin binabagabag ng mga narinig. Dahil totoo, pinagdududahan na rin niya si Robert dahil doon.Naalala niya pagdating nila galing Boracay, gusto sana niyang surpresahin si Robert. Umuwi sila ng mas maaga sa araw na dapat ay uwi nila, pero wala siyang nadatnan na Robert. At pag-uwi nito kinaumagahan, may pasa ito sa pisngi. Wala naman sugat ang kamao nito gaya ng dati. Pero nakapagdududa ang pasa nito sa mukha. Tinanong niya ito pero aksidente daw na nasuntok siya ng isang bata. Isang bata? Gusto niyang matawa.Hindi siya tanga
Last Updated : 2025-10-21 Read more