"Dad naman eh!" nagmamaktol na pumadyak ang paa ni Leila habang kausap ang ama. "I am telling you, Leila, showbiz is not forever! I need you to know the basics on how to handle our company. I just want a bit of your time..."Hindi siya makapaniwalang napatitig sa ama. Hindi niya maintindihan pero mas naging pushy ito. Dati naman, iniintindi nito ang kagustuhan niya. Ngayon lang ulit.."I am happy with what I am doing, Dad! This is my calling—""Leila!" Binagsak ng ama ang mga dokumento na kanina pa hawak habang kausap siya. Iyon ang pinakaayaw na nakikita niya, trabaho, trabaho, trabaho! Inuuwi ng ama ang trabahong dapat ay iniiwan nito sa loob ng kompanya. Nasa bahay na ito ngayon, dapat ay sa kanila na ang focus. Pero hindi! Parang habang tumatagal, mas nagiging focus ang ama sa negosyo at iba pang bagay kaysa sa pamilya nito.Naalala niya noong bata siya, she enjoyed traveling dahil sa trabaho ng ama. Kung saan-saan sila pumupunta na bansa. Until they decided to settle here in t
Last Updated : 2025-11-05 Read more