"I love you. Hindi mo ba iyong nararamdaman. Mahal kita higit pa sa buhay ko...""Sa tingin mo ba sapat na ang pagmamahal para sa ating dalawa? May mga pangarap ako sa buhay at hindi ka kasali doon. Ginamit lang kita para umangat. Hindi kita minahal..."Malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng lalake. Ang luhaan niyang mga mata ay mariing nakatitig dito. Puno ng iba't ibang emosyon ang kanyang mga mata. May galit, lungkot, pagdurusa at pagmamahal. Lahat ng iyon, portrayed in one shot. And then a big emotional outburst. Betrayal rages on her eyes."Cut!" Sigaw ng director. "Very good, Sonia! That's a beautiful portrayal! Iyan ang sinasabi ko. Kahit hindi magsalita, those eyes speak emotions! I love it!" Puri ng baklang director sa kanya. Pumalakpak pa dahil isang take lang sila. Ginalingan niya talaga dahil gusto na niyang matapos ang taping sa araw na iyon."Another best actress award!" Dagdag nito. Nagpalakpakan din ang ibang naroon. Maging ang ilang mga artistang kasama niya. La
Terakhir Diperbarui : 2025-10-07 Baca selengkapnya