"Samantha!" sigaw ni Basti. Napabalikwas ng bangon. "Basti, jusko anak, buti at gising ka na," ika naman ni Michelle. Nagpahid ng luha. Ilang araw ding walang malay si Basti. Ilang araw na halos hindi na makatulog ng maayos ang mag-asawa dahil sa pag-aalala. "Ma..." Nagising na ng tuluyan si Basti. Nagpalingon lingon siya sa paligid. Batid niya kung saan siya naroroon. "How long I have been here," tanong niya. Sinipat niya rin ang sarili. Nakahospital gown siya. "Five days," sagot ni Michelle. Five days? Natigilan si Basti. Five days na wala siyang kamalay-malay sa mga nangyari sa kaniyang paligid. "Ma...Si..." Natigilan siyang muli. Hindi niya maipagpatuloy ang gustong tanungin. "Kung si Leila ang tinatanong mo, maayos na siya. Sila ni Ethan. Ligtas silang dalawa at nakuha na ng mga pulis ang kanilang mga salaysay," sagot ni Michelle. Napansin niya na tila hindi satisfied ang anak sa naging sagot. "Gusto mo bang tawagan ko si Leila?" Umiling si Basti. Ayaw niyang makita
Read more