Muling bumalik si Renzelle sa ospital upang tulungan si Hannah at Edward na maalagaan si Hope. Bgao pa man sila magtungo sa silid ni Hannah, dumaan muna sila sa silid ng ina ni Josh."Ma.." nakangiti nitong sabi sa ina, "si Renzelle, ang asawa ko.."Napatingin ang ina nito sa kanya, saka ngumiti, at ibinuka ang mga kamay, "hija, ang manugang ko," naluluhang sabi nito. Agad tumulo ang luha ng matanda matapos lumapit si Renzelle at yumakap.Napapikit si Renzelle habang nakayakap sa ina ni Josh. Ramdam niya ang init ng yakap nito—hindi lang bilang pagtanggap kundi isang tanda ng matagal nang inaasam na kapayapaan. Sa dami ng pinagdaanan nila, sa lahat ng pagdududa at sakit, ngayon lang siya muling nakaramdam ng ganitong pagkalma."Salamat, Ma," mahina niyang sabi habang pinupunasan ang luha sa pisngi ng matanda."Salamat din, hija. Kasi hindi mo iniwan ang anak ko kahit napakahirap ng pinagdaanan ninyo." ngumiti ang kanyang biyeana, "saka salamat din, dahil kahit mahirap, kapag kailanga
Last Updated : 2025-07-25 Read more