Muling lumalim ang katahimikan sa loob ng opisina. Ramdam ni Vanz ang bigat ng saloobin ni Edward—ang lalaking minsang tinitingala lang bilang CEO, ngunit ngayo’y naging sundalong nagtatanggol sa kanyang pamilya laban sa traydor na mundo ng kapangyarihan, kasakiman, at kasinungalingan.“Tandaan mo, Edward,” muling basag ni Vanz sa katahimikan, “kapag umabot tayo sa korte, kahit may mga ebidensya tayo, gagawin ng kampo nina Miraflor ang lahat para baluktutin ang katotohanan. Isa sa mga taktikang inaasahan ko ay ang pagpapakita ng lumang marriage contract ni Caleb at Hannah. Kapag hindi natin napatunayan na legal at binding ang kasal ninyo ni Hannah, baka mapalakas ang claim nila sa bata… at sa pera.”“Hindi nila pwedeng bawiin ang asawa ko,” mariin ang tono ni Edward. “At kahit pa pilitin nilang palabasing hindi kami kasal, may sapat akong ebidensya—video ng seremonya, joint accounts, at higit sa lahat, si Hannah mismo. Siya ang magpapatunay ng lahat. Hindi nila siya masusuhulan, at la
Last Updated : 2025-07-18 Read more