Ngumiti si Renzelle, bagama’t may bahid ng pag-aalala sa mga mata. “Salamat, Josh… kahit hiwalay na tayo, hindi mo pa rin ako pinababayaan.”“Hindi kita kayang pabayaan, Ren,” mahinang sagot ng lalaki. “Lalo na ngayon. Kailangan ni Hannah ng kakampi, at alam kong isa ka sa pinakamatibay niyang sandigan. Kung may mangyari sa’yo… hindi ko mapapatawad ang sarili ko.”"Mahalaga sa akin si Hannah, alam mo namang siya ang best friend ko.. mahal ko silang mag ina.. kaya masaya akong si Edward ang napangasawa niya dahil alam kong maaalagaan siya nito ng maayos. Mahal na mahal siya ni Edward..""Eh ako.. paano ako, Renzelle?" tanong ni Josh sa kanya."Ha? paanong ikaw?" naiiling na tanong niya sa lalaki."Mahal naman kita.. pero parang-- bakit ayaw mo na akong balikan?"Natigilan si Renzelle. Bumuntunghininga saglit, saka sumagot, "magkaiba ng stage ang lahat ng relasyon, Josh.. si Hannah, ay iniwan ni Caleb, kasi, nambabae si Caleb, at may sumalo sa kanya, si Edward. Yung sa atin naman, nasak
Last Updated : 2025-07-19 Read more