THEA FAITH“Huwag ka ng malungkot. Simula ngayon ay kasama mo na kami ni yaya tuwing dinner. Hindi ko kasi sure kung ma sasamahan kita sa breakfast pero sa dinner ay kasama mo ako,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Bakit po hindi sa breakfast?”“Kasi po may work ako. Minsan ay maaga pa ako umaalis,” nakangiti na sagot ko sa kanya.“Ano po ang work mo?”“Teacher po,” sagot ko sa kanya.“Wow, teacher po. Anong grade po?” nakangiti na tanong niya sa akin.“Grade one po,” sagot ko sa kanya.“Ayy, sayang po. Grade two na po ako eh.” “Okay lang ‘yan, sure naman ako na mabait ang teacher mo,” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Opo, medyo po. May crush nga po ‘yon kay daddy eh,” nakanguso na sabi niya.“I’m home!” napalingon kaming dalawa ng marinig namin ang boses ni ninong.“Daddy!” mabilis na tumakbo papunta sa kanya si Elli at yumakap ito sa kanya.“Bakit hindi niyo ako hinintay?”“Akala po kasi namin hindi ka uuwi,” si Elli na ang sumagot.“May inasikaso lang ako, pero hindi ko naman sinabi
Last Updated : 2025-04-30 Read more