“Ginawa ko ‘yon dahil mahal kita!” sigaw niya, pero umiling lang ako, matindi. Kaya nagpatuloy siya: “hindi ko alam ang mangyayari sakin Zia kung mawawala ka sa buhay ko!” Tumingin ako sa ibang direksyon. “Hindi rin naman tayo magtatagal. Alam natin pareho ‘yan,” sabi ko para kumbinsihin ang sarili ko. “Bakit hindi tayo magtatagal? Maayos naman tayo dati—”“Dahil lahat ng meron tayo, nagsimula sa kasinungalingan, Elliot.” At dahil ang sakit na nararamdaman niya ay nagbibigay sa akin ng kakaibang lakas, dinagdagan ko pa. “At isa pa, tingnan mo ako... at tingnan mo ang sarili mo.” Alam kong masakit iyon para sa kanya—lalo’t iyon ang insecurities niya mula pa noon. “Umamin ka nga sakin Zia, Nakita mo si Luke? Kinulit ka na naman ba niya?” tanong ni Elliot, at napatigil ako sa gulat ng kanyang kapangahasan. “Oo, nakita ko siya. Ano naman ngayon kung nakita ko siya?Wala siyang kinalaman sa kung anumang pinag-ugatan ng kaguluhan nating ito. Ang problema sa'yo, ginagawa mo kung ano l
Terakhir Diperbarui : 2025-08-01 Baca selengkapnya