Pagdating ko sa ospital ay nagulat ako kay Lolo, ang daming aparatong nakakabit sa kaniyang katawan. Kasama niya sa loob ay si Tito Grenan, kapwa sila umiiyak, nakakapit ang kamay ni Tito Grenan kay Lolo. “Halika, may gusto kaming sabihin ni Papa!” Pagkalapit ko ay agad akong binigyan ng isang malaking ngiti ni Lolo.“David, sana anuman ang sabihin ko ngayon ay walang magbabago sayo. Kilala kita at alam ko ang pagkatao mo.”“Ano ba yan lolo, magpagaling ka! Kakapanganak pa lang ni Xyrille. Hinihintay ka ng apo sa tuhod mo!”Muli na naman siyang ngumiti kahit na alam kong nahihirapan siya. “Hindi na ako tatagal, nakita mo naman ang itsura ng lolo mo.Kailangan malaman mo ito bago ako pumanaw, DAVID—Ikaw ang nag-iisa at tunay na tagapagmana ng Loyola.” nabigla ako at hindi makapagsalita. “Anak ka ni Grenan sa kaniyang first love, pumanaw ang Mommy mo matapos ka niyang ipanganak, nangako ako sa iyong ina bago ka niya iniwan sa akin na walang makakaalam nito hanggat nabubuhay ako, per
Terakhir Diperbarui : 2025-07-21 Baca selengkapnya