Iniwan muna ni Gaia ang kabayo at naglakad patungo sa lokasyon ng queirmone. Habang papalapit, pabigat nang pabigat ang kaniyang pakiramdam. Paulit-ulit niyang naalala kung paano bumagsak ang kamay ni Aurus at tuluyang pumikit ang mga mata nito. Tumulo ang kaniyang luha nang muling maalala ang huli nitong sinabi. Mahal kita.“A-Aurus,” madamdamin niyang sambit sa pangalan nito.Tumigil siya sa paglalakad nang maramdaman ang panghihina ng kaniyang mga tuhod. Napaluhod siya sa niyebe habang umiiyak. Hindi nawawala ang sakit sa kaniyang dibdib sa tuwing bumabalik sa isip niya ang nangyari kay Aurus. “Patawad, Aurus. Hindi kita nailigtas,” umiiyak niyang sabi.Sinisisi niya ang sarili sa nangyari kay Aurus. Siya ang puntirya ng pana, pero ito ang sumalo para sa kaniya. Wala siyang nagawa para isalba ang buhay nito. Maging ang katawan nito ay hindi niya nabigyan ng maayos na libing.“Sana, patawarin mo ako, Aurus.”Isang linggo na siyang nagluluksa sa pagkawala nito, pero hindi pa rin n
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-18 อ่านเพิ่มเติม