Nag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha nang marinig ang malambing nitong boses. Nabitawan niya ang patalim at mabilis itong niyakap.“Aurus,” sambit niya sa pagitan ng pag-iyak. Bahagya siyang kumalas sa yakap dito at hinawakan ang magkabila nitong pisngi. Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. “Buhay ka talaga,” bulong niya at muli itong niyakap.Naramdaman din ni Gaia ang yakap ni Aurus kaya mas lalo siyang napaiyak. Hinigpitan niya ang yakap dito na tila natatakot na mawala itong muli sa kaniya.“Mag-usap tayo sa ibang lugar,” sambit nito.Hinawakan ni Aurus ang kamay niya. Wala siyang ideya kung saan ito pupunta, pero pumasok sila sa isang silid. Nang makapasok sila sa loob, mabilis nitong kinabig ang kaniyang katawan at siniil ng halik sa labi. Kinawit niya ang dalawang braso sa batok nito. Hindi siya makapaniwala na kasama na niya ito ngayon.“Mapanganib ang ginawa mo, Gaia. Delikado ang pagpasok dito,” sambit nito sa pagitan ng paghalik.“Gusto kitang mabawi, Aurus,” s
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-18 อ่านเพิ่มเติม