Bumalikwas ng bangon si Gaia nang maramdaman ang panganib. Bahagya siyang nahilo sa biglang pagkilos ngunit nagawa pa rin niyang umiwas sa patalim.“Isa kang Jelrio,” matalim na sabi ng lalaking umatake sa kaniya.Humawak si Gaia sa pader na lupa. Kahit nahihilo, napansin pa rin niya ang kinaroroonang lugar. Isa ’yong underground tunnel na may mga sulo sa gilid.“Hindi ka nararapat na mabuhay,” sabi ng lalaki at muli siyang sinugod.Mabilis ang kilos nito patungo sa kaniya hawak ang dagger sa kanang kamay. Bahagya niyang pinilig ang ulo para mawala ang pagkahilo, pero mas lalo lang iyong lumala. Naging dalawa ang tingin niya sa hawak nitong patalim. Nanghihina ang kaniyang mga kamay at hindi niya magawang iangat para depensahan ang sarili.“Hasper, itigil mo ’yan!” Mabilis nakalapit sa kaniyang unahan si Heather at ito ang sumangga sa atake ng lalaki.“Umalis ka riyan, Heather. Papatayin ko ang babaeng ’yan,” seryoso nitong utos sa babae.Hindi ito sinunod ni Heather, sa halip inalala
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-18 อ่านเพิ่มเติม