Share

Chapter Eighty

Author: Maybel Abutar
last update Last Updated: 2025-09-29 21:13:26

Nakatuon lang ang atensyon ni Gaia sa likuran ni Aurus habang naglalakad. Nasa unahan niya ito habang siya ang nasa hulihan ng grupo. Ngunit sandali siyang napahinto sa paglalakad nang mahagip ng kaniyang mga mata ang tore ng kastilyo.

Malayo na ang kaniyang narating. Dalawang lunas na lang ang hahanapin niya at kumpleto na ang mga kailangan. Kapag nakumpleto iyon, makakarating na sila sa kastilyo. Lahat ng gumugulo sa kaniyang isip ay magkakaroon na ng linaw. Ngunit pagkatapos noon, anong susunod na mangyayari?

Oo, at masasagot ang mga tanong sa isip niya, pero may magagawa pa ba siya para baguhin ang nakaraan? Kahit malaman niya ang lahat, hindi na niyon mababago ang nakalipas. Nangyari na ang lahat at tapos na iyon, pero ayaw niyang may gumugulo sa isip niya. Kaya kailangan niyang malaman ang lahat.

“Gaia...”

Narinig ni Gaia ang boses ni Sara kaya tumingin siya rito. Nakatigil ang mga ito tatlong metro ang layo sa kaniya. Nakatingin ang lahat sa kaniya maliban kay Aurus. Nakatuon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Angeline Tabalan
Masyado mong pinapakaba ang mga kasama mo Gaia ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Eighty-six

    “Ililigtas namin si Gaia kahit anong mangyari!” seryosong sagot ni Ezraya.“Gusto rin namin siyang iligtas, pero gumawa tayo ng magandang plano. Huwag ganitong padalos-dalos tayo,” sagot ni Hugo.Hindi rin matanggap ni Hugo na wala siyang magawa ngayon para sa kaniyang master. Nagawa niyang makaganti sa mga assassin kanina, pero wala siyang magawa ngayon kundi panoorin ang pagdakip kay Gaia. “Kunin niyo ang katawan ng lalaki at itapon!”Magkakasabay silang tumingin sa direksyon ng lalaking nagtangkang pumatay kay Gaia. Mula sa mga pinagtataguang puno, nakita nila ang nanlilisik na mga mata ni Gaia sa lalaki habang pilit nagpupumiglas sa hawak ng apat na kawal.“Papatayin kita kapag ginalaw mo ang katawan niya,” walang buhay na banta ni Gaia sa lalaki.“Nasasaktan siya ngayon at hindi iyon magandang pangitain,” nag-aalalang pahayag ni Sara habang pinagmamasdan kung paano tumingin ang walang buhay na mga mata ni Gaia.Hindi pinakinggan ng mga kawal ang babala ni Gaia, at nilapitan ng m

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Eighty-five

    “Aurus, gumising ka! Malakas ka, ’di ba? Lumaban ka, pakiusap. Marami pa tayong gagawin na magkasama. Huwag mo akong iiwan sa magulong mundong ito,” umiiyak niyang sigaw habang tinatapik ang mukha nito. Ngunit kahit anong gawin niya, wala na itong reaksyon.Nilibot ni Gaia ang tingin sa paligid upang humingi ng tulong, pero palapit na mga kawal ang nakita niya. Hindi niya makita kung nasaan ang mga kasama niya. Tanging sila lamang ni Aurus ang nasa gitna ng niyebe.“Aurus...”Muli niyang niyakap ang katawan ni Aurus habang umiiyak. Nasa likuran pa rin nito ang dalawang palaso. Imposible man mangyari, pero umaasa siyang buhay pa ito. Ngunit niloloko niya lang ang sarili dahil nakikita niyang tumama ang mga patalim sa likuran ng puso nito. Wala na rin siyang nararamdamang tibok sa pulso nito, at halos magkulay pula ang niyebe dahil sa dugo nito. “Bakit mo ako iniligtas, Aurus. Para sa akin ang palasong iyon. Bakit mo sinalo?”Muling bumuhos ang kaniyang luha habang iniisip kung paano t

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Eighty-four

    Hinigpitan ni Aurus ang hawak sa kaniyang kamay kaya hindi siya nakalapit sa libro.“Pamilyar sa ’yo ang librong iyan, tama ba?” tanong ni Ace 1 kay Aurus. “Dahil diyan nakatala ang tungkol sa mga lunas bilang gamot sa isang uri ng karamdaman na may kakaibang marka,” nakangising dugtong nito.“Sumama ka sa amin assassin bago namin isiwalat ang ginawa mo. Ayaw mo naman sigurong kamuhian ng babaeng katabi mo, hindi ba?” segunda pa ni Ace 5 na ngayon ay hawak na uli ang bolang sandata.“Wala akong dapat ikabahala sa mga sinasabi ninyo,” seryosong sagot ni Aurus.“Talaga? Paano mo ipapaliwanag ang koneksyon mo sa Sandevil?” muling tanong ni Ace 5.“Wala akong koneksyon sa Sandevil.”“Kung wala kang koneksyon, paano mo nalaman ang nilalaman ng mapanlinlang na librong iyan?” tanong ng babaeng nakapula. “Tanging Sandevil lang ang nakakaalam ng tungkol diyan, dahil iyan ang kailangan para magising ang pinuno,” dugtong pa nito. “Wala akong kailangan ipaliwanag sa inyo,” balewalang tugon ni Au

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Eighty-three

    “Ako ang makakalaban mo, binibini. Ako ang harapin mo,” seryosong sabi ng lalaking tinatawag na Ace 1.Tumalon patalikod si Gaia para iwasan ang bigla nitong atake. Nang makakuha ng balanse, sinabayan niya ang pagsugod ng lalaki hanggang maglapat ang kanilang mga patalim.“Interesado ako sa ’yo, binibini,” nakangising sabi ng lalaki.“Wala akong interes sa ’yo,” malamig niyang tugon at pwersahan niyang itinulak paabante ang kaniyang patalim.Napaatras ang lalaki sa kaniyang ginawa, pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha nito.“Malakas ka, binibini. Anong pagsasanay ang ginawa mo para maging gan’yan kalakas?”Hindi sumagot si Gaia. Sa halip, nilubayan niya ang pagkakahawak sa kaniyang espada. Dumiretso ang patalim ng lalaki patungo sa kaniya, pero yumuko siya at muling sinalo ang sandata niya. Mabilis namang lumayo ang lalaki nang iwasiwas niya ang espada sa katawan nito.“Nakakahanga,” nakangisi at namamangha nitong sabi habang nakatingin sa nahagip nitong balabal. Naputol ang

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Eighty-two

    “Wala akong panahon para pakinggan ang pagbabalik tanaw ninyo!” muling sigaw ng kalaban.Naalerto si Hugo at Ezraya nang biglang sumugod ang lalaki sa kanila. Hawak nito ang suot na scarf na may patalim sa dulo. Hinugot naman ni Hugo ang dalawang curved metal na may mahabang kadena na nakasuksok sa likuran niya. Hinagis niya ang isa kay Ezraya na mabilis nitong nasalo. Napagitnaan nilang dalawa ang kalaban. “Hugo, laruin natin ang cross trick bang!” sigaw ni Ezraya sa kaniya.Biglang pumasok sa isip ni Hugo ang nilalaro nila noon ni Ezraya. Gumagamit sila ng dalawang stick at isang bato sa larong iyon. Pag-aagawan nila para ipasok sa isang butas.“Tayo ang cross, siya ang trick, at bang ay patayin siya,” muling sabi ni Ezraya.Napangiti si Hugo sa sinabi ng kapatid. Agad niyang naunawaan ang gusto nitong gawin nila. Ang kalaban ang magsisilbing bato na pag-aagawan nila, pero hindi sila magkalaban sa larong ito ngayon. Sila ang magkakampi para magawa ang bang.“Naalala ko na, Ezraya.

  • The Stranger who Loves my Twin Sister   Chapter Eighty-one

    Lumapit sa direksyon ni Gaia ang kaniyang mga kasama nang lumabas ang dalawang babae at apat na lalaki mula sa pinagtataguan ng mga ito. Pawang alerto na ang mga kasama niya at tila nawala na sa isip ang naganap nilang pagtatalo kanina.Pinagmasdan naman ni Gaia ang iba’t-ibang istilo ng anim lalo na sa pananamit. Isa lang sa mga ito ang may makapal na kasuotan na naaangkop sa klima ng Biloah. Ang iba ay mukhang nakasanayan na ng mga itong isuot at hindi na nag-abalang magpalit. Mukhang hindi naman nilalamig ang mga ito.“Sinasabi ko naman sa ’yo, Ace 3, sinadya niyang umarteng nakababa ang kanilang depensa. Pain niya lang ito para lumabas tayo. Ayaw niyo kasing maniwala, eh,” tila nagtatampo ngunit walang buhay na sabi ng isang babae na parang manika manamit mula sa buhok hanggang sapatos. May yakap-yakap pa itong walang mukhang manika.“Tama si Ace 6. Hindi niyo kasi siya pinapakinggan,” segunda ng kasama nitong naka-pormal na damit na parang dadalo sa isang pormal na pagtitipon.“S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status