Nang umagang 'yon, dumaan si Amber sa park malapit sa studio. Maaga pa, wala pang masyadong tao. Umupo siya sa lumang bench sa lilim ng puno, suot pa ang salamin at sumbrerong malaki. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at huni ng ibon ang maririnig. Sa loob ng ilang minuto, wala siyang schedule, walang ilaw ng kamera, walang usiserong mata. Sa wakas, nakahinga siya nang malalim.Kinuha niya ang phone. May tatlong tawag mula kay Gideon, lima kay Blake, at isang video ng sarili niya na pinagtatawanan sa isang forum. Pinindot niya ang lock button. Ayaw niyang makita. Hindi ngayon.Bumaling siya sa matandang naglalakad sa di-kalayuan, kasama ang alagang aso. Tahimik lang silang nagkatinginan at ngumiti. Walang nakilala. Walang panghuhusga.“Kung puwede lang manatili rito,” bulong ni Amber. “Sandali lang. Sandaling walang gulo.”Pero hindi siya ginawa para sa katahimikan. Kahit anong iwas niya, laging may kamera, laging may tanong, laging may laban.Tumayo siya. Pinagpag ang alika
Terakhir Diperbarui : 2025-06-13 Baca selengkapnya