Narinig ni Amber ang tinig ng lalaki, kalmado, magaan, masyadong magalang para maging totoo.
Bahagya itong ngumiti, nakataas ang isang kilay.
“Sa totoo lang, medyo masama ang loob ko kanina.” Ani Amber.
Lumingon siya kay Dash at may idinagdag. “Pero kung pagbabatayan ang reputasyon ni Ginoong Lexington bilang isang ginoo, pinapatawad ko na siya.”
Tahimik lang si Alina sa gilid, pinagmamasdan ang banayad ngunit tensyonadong palitan ng mga salita ng dalawa. Hindi niya lubos mawari kung anong klaseng enerhiya ang namamagitan sa kanila. Kaya’t napatingin siya kay West, saka mahinang ngumiti, at marahang pinisil ang braso ni Dash. “Dash, nasa kamay mo na si Miss Harrington.”
Tumango si Dash, banayad at may dignidad. “Miss Harrington, kung maaari.”
Humakbang si Amber, at pumasok sa banquet hall habang kasa
Narinig ni Amber ang tinig ng lalaki, kalmado, magaan, masyadong magalang para maging totoo.Bahagya itong ngumiti, nakataas ang isang kilay.“Sa totoo lang, medyo masama ang loob ko kanina.” Ani Amber.Lumingon siya kay Dash at may idinagdag. “Pero kung pagbabatayan ang reputasyon ni Ginoong Lexington bilang isang ginoo, pinapatawad ko na siya.”Tahimik lang si Alina sa gilid, pinagmamasdan ang banayad ngunit tensyonadong palitan ng mga salita ng dalawa. Hindi niya lubos mawari kung anong klaseng enerhiya ang namamagitan sa kanila. Kaya’t napatingin siya kay West, saka mahinang ngumiti, at marahang pinisil ang braso ni Dash. “Dash, nasa kamay mo na si Miss Harrington.”Tumango si Dash, banayad at may dignidad. “Miss Harrington, kung maaari.”Humakbang si Amber, at pumasok sa banquet hall habang kasa
“Anong tinitingnan mo?”“Kilala mo ba si Amber?”Lumapit si Alina, tila kaswal ang tono, pero hindi maikakaila ang kuryosidad sa boses niya. Dumaan siya roon para sa ibang pakay, ngunit napahinto nang mapansin ang kapatid niyang nakatayo sa may pintuan, hindi kumikibo. Kumatok siya kanina, at nang walang sumagot, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. May naaninag siyang pigura sa loob ng banyo, ngunit sa halip na umurong, pumasok pa siya, nakatitig.Nakatayo si Dash sa may bintana, hawak pa rin ang cellphone na nakabukas. Nakatutok ang mga daliri niya sa screen, eksaktong nasa pangalan: Amber.May bumabalang ideya sa isipan niya, hindi ito pagmumuni o pagnanasa. Para itong istratehiya, isang planong unti-unting nabubuo sa pagitan ng katahimikan.“Kanina ko pa lang siya nakilala,” tugon ni Dash, sa wakas.
“Ayos lang.”Walang pakialam si Amber. Isa lang itong tennis match. Pampalipas-oras. Wala nang iba pa.Pumasok siya sa court, hawak ang raketa, at tiningnan ang kabilang dulo, sakto sa pagpasok ng isang lalaki na nakasuot ng itim na shorts at polo shirt, ang sikat ng araw ay lumilikha ng matalim na silweta sa matangkad niyang katawan.Mula sa malayo, may dating itong elegante at may awtoridad. Matikas ang tindig, tiwala sa bawat hakbang. May pahiwatig ng lakas sa kanyang pangangatawan—hindi para ipagyabang, kundi para sa tibay at tiyaga.Malayo sa estilo ni West.Maganda rin ang katawan ni West, proportyonado at maayos manamit. Pero may bahid pa rin ng pagiging marupok, gaya ng mga taong sanay sa lungsod at sa sukat na sukat na mga suit. Ang lalaki sa kabila ng court, sa kabilang banda, ay tila hinubog sa ibang mundo, parang isang taong sanay sa araw ng militar. Disiplinado. Matatag.May dignidad sa kanyang katahimikan. Tila galing sa pamilyang hindi kailanman kailangang sumigaw para
“Malas niya lang,” sambit ni Edward, ang kanyang tono’y bakas ang pagkadismaya. “Kung iba sana ang kinalaban niya, pero hindi, kinailangan niya talagang salungatin si Amber. Hindi man lang siya nagdalawang-isip na targetin siya sa likod.”Nanikip ang lalamunan ni Eva. “Daddy, si Nathan ay si Nathan. Si Soren ay si Soren. Hindi dapat natin sila pinagsasama.”Maingat namang nilapag ni Edward ang pinag-inuman niyang baso at matalim na tumingin kay Eva. “At bakit hindi? Ang magkapatid na ‘yan ay parehas ng tapos. Ang panganay ay binuntis ang sekretarya niya, at ang pangalawa’y baliw sa kanyang idolo. Ngayon mo sasabihin na hindi sila dapat pinagsasama? Bakit? May iba-iba na bang flavor ang kabobohan ngayon?”Natahimik si Eva. Ang galit ng kanyang ama’y umabot na ng sukdulan, at ayaw niyang mas palalain pa ito.Masakit pa rin sa pride ni Edward ang nangyari kanina, naipahiya siya ni West sa harap ng publiko, isang lalaking mas bata pa kaysa sa sariling anak niyang babae. Sa dami ng taon ni
Nang umagang 'yon, dumaan si Amber sa park malapit sa studio. Maaga pa, wala pang masyadong tao. Umupo siya sa lumang bench sa lilim ng puno, suot pa ang salamin at sumbrerong malaki. Tahimik ang paligid, tanging ihip ng hangin at huni ng ibon ang maririnig. Sa loob ng ilang minuto, wala siyang schedule, walang ilaw ng kamera, walang usiserong mata. Sa wakas, nakahinga siya nang malalim.Kinuha niya ang phone. May tatlong tawag mula kay Gideon, lima kay Blake, at isang video ng sarili niya na pinagtatawanan sa isang forum. Pinindot niya ang lock button. Ayaw niyang makita. Hindi ngayon.Bumaling siya sa matandang naglalakad sa di-kalayuan, kasama ang alagang aso. Tahimik lang silang nagkatinginan at ngumiti. Walang nakilala. Walang panghuhusga.“Kung puwede lang manatili rito,” bulong ni Amber. “Sandali lang. Sandaling walang gulo.”Pero hindi siya ginawa para sa katahimikan. Kahit anong iwas niya, laging may kamera, laging may tanong, laging may laban.Tumayo siya. Pinagpag ang alika
Sa villa, nakabalot ng puting tuwalya si Amber habang naka-upo sa sofa. Basang-basa pa ang buhok at masuyo niyang minamasahe ang kanyang binti na may bahid na ng panggigigil.Lumapit si Manang Fe, may dalang mainit na itlog, binalatan at marahang ipinatong sa namumulang bahagi ng binti ni Amber.“Nako, sino naman ang may lakas ng loob na kagatin ka nang ganyan? Ang kinis-kinis ng balat ng batang ito, ang dami sigurong nagtatangkang saktan siya.”“Si Atty. Lancaster…” bulalas ni Lilith bago pa niya mapigilan ang sarili.Nagpanting ang tainga ni Amber.“Lilith!” sigaw niya. “Gusto mo bang tanggalin kita? Gusto mo talaga akong patayin sa kahihiyan, ano?”Galit na galit si Amber. Hindi lang dahil sa kagat, kundi sa kawalanghiyaang ginawa ni West. Ang binti niya ang kanyang ipinagmamalaki ay kinagat nito nang wala man lang pag-aalinlangan.-Kinabukasan, kakarating lang ni Amber sa opisina at naghahanda na siyang magpa-makeup para sa isang roadshow sa hapon, nang bigla siyang nakatanggap n