JALENE“PAANO ako makakasigurong tutupad ka sa usapang ito, Frank?”“Desperada ka, right? Desperado rin akong makuha ang azukarera na ito,” seryosong sabi ni Frank. “Wala nang natira sa akin. Ang kumpanyang pinagpaguran ko, hindi pala akin. Wala na akong ibubuhay sa magiging pamilya ko, Jalene. Kaya kapag may pera ako, maraming properties, maraming magkakagusto sa akin sa edad kong ito.”Napatitig ako sa kanya. Talagang desidido siyang makuha ang gusto niya. “Pagbalik ng bahay bukas, ibibigay ko sa ’yo ang pirmadong divorce paper na dadalhin mo pabalik ng Guam. At ang annullment? Ipapa-proseso ko na agad kapag nasa pangalan ko na ang azukarera.”May lungkot na naman akong nakita sa mga mata niya nang sabihin na iyon. “Lagi kong dala ang mga papel, Jalene. Kahit hindi mo pa ako sagutin ngayon, kapag nakita mo na bukas doon ka na lang tumugon—okay lang sa akin.”“Sana lang tuparin mo ’yan, Frank. Willing naman akong tulungan ka kung susunod ka sa usapan.”“Sige. Pero ngayon, sana makis
Terakhir Diperbarui : 2025-05-15 Baca selengkapnya