LOGIN
PROLOGUE: FINDING DADDY DIMITRI
"Rei..." Kumunot ang noo ko habang nakapikit nang marinig ang boses ni mama kasabay ng pagtapik niya sa balikat ko. "Gising na! Malapit na tayo," ma-awtoridad na utos niya kaya tumango-tango ako habang nakapikit pa rin dahil sa antok. Dahan-dahan kong iginalaw ang nangangawit na katawan dahil sa maghapong pagkaka-upo at iminulat ang mga matang pilit pa ring sumasarado. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na mga gusali nang tignan ko ang salamin ng bus kung saan kami nakasakay ni mama. Mas marami ng mga matatayog na gusali imbes na mga puno. Nasa Maynila na nga yata kami! "Ayusin mo nga 'yang buhok mo! Ang gulo-gulo!" sita niya sa akin kaya itinago ko ang ilang hibla ng maikling buhok ko sa likod ng tenga. Doon kasi nagsimula ang umaalon na kulay tsokolateng buhok ko. Hanggang kili-kili ko iyon at kahit anong suklay ko ay mukha pa ring buhaghag. Napanguso ako at sinuklay pa iyon habang nakatingin sa buhok ni mama na mahaba, tuwid at itim na itim. Nakakainis tuloy! Bakit kasi hindi ako nagmana sa kanya? Pati sa kulay ng balat at mga mata ay magkaiba kami. Hindi ko masisisi ang iba na nagsasabing napulot lang ako sa kung saan. Maputi kasi ang balat ko kahit ilang oras pa akong magbabad sa ilalim ng araw araw-araw. Kulay bughaw ang kulay ng mga mata ko na namana ko sa taga Russia na papa ko. Siya ang dahilan kaya kami dumayo rito sa Maynila. Hahanapin ko siya! "Tara na!" Mabilis na hinatak ni mama ang palapulsuan ko nang isigaw ng kondoktor ang susunod na lugar na madadaanan ng byahe nila. Halos matumba pa ako nang biglang huminto ang bus! Mabuti na lang ay mahigpit ang kapit ni mama sa akin. "Punyetang init 'to! Pilipinas pa ba 'to o impyerno?!" singhal niya nang makababa kami ng bus. Napa-ubo ako nang malanghap ang usok ng mga sasakyan. Binuksan naman ni mama ang payong dahil sobrang taas ng sikat ng araw. Bigla tuloy akong nauhaw dahil sa init! "Bilis, Rei! Ano ba?!" reklamo ni mama habang magkasalubong ang dalawang kilay. Kahit nabibigatan sa bag na nasa balikat ko ay binilisan ko ang lakad para makasunod at makasilong sa payong na hawak niya. Sobrang hapdi sa balat at sa mata ng sikat ng araw! Kahit hinihingal at mainit na sa paa dahil sa layo ng nilalakad ay tinitiis kong sumunod kay mama dahil sobrang daming tao at hindi ko makita ang daan dahil halos nakapikit ako habang naglalakad. Hindi ko kaya ang sobrang init na buga ng araw at wala pang gaanong hangin! "Oh, nandito na tayo! Ito na yata 'yon!" sigaw ni mama sa wakas habang papalit-palit ang tingin niya sa cellphone na hawak at sa mataas na gusaling nasa harap. "Ha!" gano'n na lang ang hingal ko at napa-upo ako sa mainit na hagdan sa harap ng gusali dahil sa sobrang pagod. "N-nandito po si papa?" tanong ko sa gitna ng paghahabol ng paghinga. Tumango tango siya at binuksan ang sling bag. "Oo! Heto ang pangalan niya, hanapin mo siya sa loob!" utos niya at may inabot siya sa akin ang papel. Dimitri Vincenzo loves Maria Felicia Andrada. Iyon ang nakasulat sa likuran. Pangalan ni mama at pangalang estranghero sa akin. Sa harap ay may medyo lumang litrato. Picture ni mama noong dalaga pa siya habang yakap siya ng isang guwapong lalake. Malinis ang pagkakagupit ng kulay tsokolateng buhok niya, hindi ko mawari kung kulot din siya gaya ko. Medyo malabo ang kulay ng mga mata niya, hindi ko rin matukoy kung bughaw iyon o kulay abo. Napangiti ako at hindi ko mapigilang yakapin iyon. Twelve na ako pero ngayon ko lang nakita ang itsura ng papa ko. Gusto ko na siyang makita sa personal! Ano na kaya ang itsura niya ngayon? Nilapitan ako ni mama kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hinaplos niya pa ang buhok kong medyo hinangin dahil presko rito, hindi gaya roon sa kalsada na walang puno. "Tama na 'yan! Pumasok ka na sa loob. Banggitin mo pangalan ng papa mo—Dimitri. Sabihin mo anak ka niya," mahabang paliwanag niya at tinulungan akong tumayo. "Ikaw po, ma?" hindi ko mapigilang itanong nang itulak niya lang ako paakyat sa hagdan. "Hindi na ako sasama! Babalikan ko si Noel sa Probinsya." Mabilis na umawang ang labi ko at kumunot ang noo. "Po? Ako lang ang titira kasama ni papa?" hindi makapaniwalang tanong ko at bumaba sa hagdan para hawakan ang kamay niya dahil sa takot. Natatakot akong maiwan dito nang mag-isa! "Tss! Ano ba, Rei?" Kaagad niyang binawi ang kamay niya at nag-krus ng braso. "'Di ba, ayaw mo kay Noel? Heto na, binibigay na kita sa totoong ama mo! Mayaman 'yan! Kita mo naman ang Kompanya, oh!" Nginuso niya pa ang nakakalulang gusaling nasa harap namin. Imbes na matuwa ay kumirot ang dibdib ko. Hindi ko na makakasama si mama. "Pero pupuntahan mo po ako rito?" paninigurado ko dahil hindi ko na kayang bumalik doon sa bahay ni Tito Noel. "Oo! Sige na! Pumasok ka na ro'n!" nagmamadaling sagot niya at muli akong itinulak palayo sa kanya. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil naiiyak ako. Muli kong nilingon si mama pero nakita kong nakatalikod na siya at naglalakad palayo. Huminga ako ng malalim at muling tinignan ang picture habang nanunubig ang mga mata. Pinunasan ko ang luha bago ako umakyat ng hagdan at tumingin kung saan pumapasok ang mga tao. Nakakalula talaga! Sobrang taas ng gusali at puro salamin. Mayaman nga ang papa ko! "Pst! Neng! Saan ka pupunta?" Tiningala ko ang guwardyang umawat sa akin papasok. "Bawal ang bata rito! Lumabas ka!" puna niya at itinulak ako palabas. Mabilis akong umiling para pigilian siya. "Hinahanap ko lang po si papa! Ito po siya, oh!" paliwanag ko nang huminto siya at inabot ko sa kanya ang picture na ibinigay ni mama. "Dimitri Vincenzo po ang pangalan niya," dagdag ko nang magsalubong ang kilay niya habang nakatitig sa papel. Sunod ay umarko ang kilay niya. "Ikaw? Anak ni Sir Dimitri?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sunod ay yumuko siya sabay napatitig sa mukha ko. "Peke lang naman yata 'yang kulay ng mata at buhok mo, e! Lumang modus na 'yan, 'neng!" natatawang aniya at itinapon sa sahig ang picture nina mama at papa. Kaagad akong yumuko at hinabol iyon nang hinangin bigla. "Totoo po 'to! Hindi po ako nagsisinungaling!" pagpupumilit ko at bumalik sa guwardya nang makuha ang papel sa sahig. "Maniwala po kayo sa akin!" sigaw ko nang pagsaraduhan niya ako ng salaming pinto. "Hmp!" Napanguso ako at kinalma ang sarili nang maramdamang naiiyak na naman ako. Bigla akong nakaramdam ng takot nang hindi ko na makita si mama sa malawak na Siyudad. Hindi ko alam ang gagawin ko! Paano ko na mahahanap ngayon si papa kung ayaw akong papasukin sa Kompanya niya? Sumilong ako malapit sa Building at umupo sa malamig na tiles. Hinubad ko rin ang bag ko para kumain muna at uminom dahil gutom na gutom na ako! Susubukan ko na lang sigurong maki-usap mamaya. "Neng, hoy!" Mula sa pagkakasandal ng ulo ko sa tuhod ko ay nag-angat ako ng tingin nang may pumalo sa paa ko. "Ikaw pa rin? Huwag ka ngang tumambay rito!" muling pagtataboy sa akin ng guwardya at muli niyang hinampas ang baston sa binti ko. "Alis!" puna niya nang nagmadali kong kinuha ang bag at tumayo. "Gusto ko lang pong maka-usap ang papa ko! Sige na po, please? Kahit saglit lang?" paki-usap ko at umaatras dahil ayaw ko nang mahampas ulit. "Pakisabi, anak po niya ako kay Felicia Andrada," dagdag ko para mapapayag siya pero nang umatras ako dahil nag-amba siyang papaluin ako ay napatili ako dahil hindi ko na naramdaman ang paa ko sa sahig! "Puta!" Narinig ko ang pagmumura ng guwardya bago ako napapikit dahil hinahanda ko na ang sarili sa paglagapak sa matigas na hagdan. Pero hindi iyon nangyari dahil muling umangat ang paa ko pati na ang buong katawan ko dahil may himigpit sa bewang ko. May sumalo sa akin at binuhat niya ako sa braso niya! "What the fuck is going on here?!" tanong ng lalake sa mariin at mababang boses. Napaawang ang labi ko at napatitig sa kanya dahil halos pantay ang mukha namin. Napakapit ako sa matigas na braso niya nang ibinaba niya ako mula sa pagkakabuhat sa akin. "Sir... pasensya na. Ito kasing batang 'to, ang kulit!" nanginginig ang boses ng guwardya nang magpaliwanag niya. Tiningala ko ulit ang lalakeng kausap niya, iyong nagligtas sa akin. Matangkad siya at mukhang mamahalin ang tela ng suot. Balot na balot siya kahit sobrang init dito sa labas. May suot pa siyang itim na salamin sa mga mata pero kitang-kita ang tangos ng ilong niya. May maliliit din na balbas sa prominenteng panga, baba at itaas ng labi niya. Mukhang kasing edad siya ni papa! "Dito ka po ba nagta-trabaho? Help mo po ako, please? Hinahanap ko lang po ang papa ko. Siya po ang may-ari ng building na 'to," mahabang paki-usap ko at muling inilabas sa bulsa ng maong na short ang picture nila ni mama. Pero ngayon ay itinaas ko lang iyon para ipakita sa kanya. Baka hanginin kasi bigla! "Siya po ang papa ko. Dimitri Vincenzo po ang pangalan niya." Hindi ako sigurado kung nakikita niya ng maayos ang picture na ipinakita ko dahil may suot siyang salamin. Kaya naman, tumiklay ako at inangat lalo ang kamay para makita niya iyon ng maayos dahil sobrang tangkad niya. "Kilala mo po ba—" natigil ako sa pagtatanong nang hinablot niya sa kamay ko ang papel. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya habang nakatitig do'n. Sunod ay yumuko siya para tignan ako. "Come with me," nagsalita siya pero hindi ko alam kung sino ang kausap niya. Sumunod sa kanya ang dalawang lalakeng parehas na grey ang suot at nagmadali pang pagbuksan siya ng magarang itim na kotse. "Wait lang po! 'Yong picture!" hinabol ko rin ang matangkad na lalake para bawiin sa kanya iyon. Pero bigla niyang inilabas ang isang metal na hugis parisukat sa suot niya na coat at nang buksan iyon ay lumiyab ang apoy sabay itinapat niya iyon sa picture na hawak niya. "Huwag—" Gano'n na lang ang pagkalaglag ng panga at panlulumo ko nang tinangay pa ng hagin ang kulay itim at pira-pirasong papel. "A-anong ginagawa mo?!" hindi ko mapigilang sigawan siya habang naiiyak at hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niya. "You won't be needing that now, baby. Come here, I'll take you to your new home," marahang sagot niya at muli akong inangat sa ere. Binuhat niya ako sa braso niya na parang sobrang gaan at sobrang liit ko. Napakapit ako sa balikat niya at napayuko para panoorin siya nang harapin niya ang dalawang lalakeng nakasuot ng unipormeng kulay grey. "I'll drive. Go back to your work," utos nito bago niya ako hinarap at hinaplos pa ang pisngi ko gamit ang kabila niyang kamay. "Hush now," utos niya at binuksan ang isa pang pinto ng kotse sa bandang harap at binuksan iyon bago ako pina-upo roon. Siya pa ang nag-alis ng bag sa balikat ko para ilagay iyon sa likuran at ikinabit niya pa ang seatbelt sa katawan ko. "I-ikaw po ba ang papa ko?" hindi ko mapigilang itanong habang pinapanood siya. Napatitig ako sa kanya nang mapatigil siya habang nakayuko pa rin. Ibinaba niya ang kamay sa maglabilang gilid ko at itinagilid niya ang ulo. "Call me 'daddy'," utos niya kaya napakurap ako ng dalawang beses. Ibig sabihin, siya nga ang daddy ko?! Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa naisip. "Okay po, d-daddy," nautal pa ako dahil hindi ako sanay banggitin ang salitang iyon. Ang lakas maka-tunog mayaman! Napayuko pa ako ng kaunti habang nakangiti nang marahang haplusin ng mahahabang daliri niya ang tuktok ng buhok ko. Hindi ko nakikita ang mga mata niya pero ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin sa likod ng itim na salaming suot niya. "Good girl..." banggit niya sa mas mababang boses at nakita ko rin ang pag-arko ng sulok ng mamula-mulang labi niya.CHAPTER 136: TEST Hindi ako mapakali habang naghihintay sa resulta ng mga test ni mama para mai-discharge siya. Marami siyang kailangang maipasa para ma-declare na stable na siya at hindi na magiging bayolente sa labas. Pati ako ay in-interview kung kaya ko siyang alagaan at kung ano ang gagawin kung sakaling atakehin ulit siya. Schizoaffective Disorder–Bipolar Type. Iyon ang diagnosis sa kanya ng Psychiatrist na naka-usap ko. Malamang, dahil sa hallucination niya na buhay pa raw si Daddy Dimitri. Bipolar din kasi paiba-iba ang mood niya at minsan, sobrang extreme ng emotion niya kaya hindi na ma-kontrol lalo na tuwing iritable siya. Si Tito Noel ang nagdala sa kanya rito. Nasa chart pa raw ni mama na may history siya ng pathological gambling at overspending kapag sobrang saya niya. Nagtangka rin daw siyang bawiin ang sarili niyang buhay dahil depress siya. At noong nagkasama kami sa Visitation Room, nakita ko nga ang mga symptomg ng pagiging Bipolar niya lalo na tuwing may trigge
CHAPTER 135: LAHI"Tara sa Acute Paid Ward," anunsyo ng clinical instructor naming si Ma'am Shiela. Sumunod ako at tumingin sa mga katabi kong ka-grupo na tuwang tuwa. "Yes, 'di na mabaho!" bulong ni Naomi dahilan kaya kumunot ang noo ko. Napaka-arte niya talaga. Nakakainis nga kasi ka-group ko na naman siya. Magkalapit lang ang apilyedo namin. S siya at V ako. At saktong may apat na kaklase namin ang nasa pagitan namin kaya no choice, magka-group na naman kami. "Sana, sa male tayo ma-assign. Baka may artista do'n!" hiling pa niya. Halatang 'di nakikinig! Bawal kami sa Acute Ward.Nagkaroon na kami ng tour noong isang araw sa Charity ward, ang government mismo ang nagbabayad para sa kanila. Nakapunta kami sa mga ward ng mga bata hanggang sa mga matatanda na karamihan, dementia patient. Masasabi kong may malaki ngang kaibahan sa mga kwarto lalo na mga gamit at sa kalinisan.Nandito sa Acute ward 'yong mga bagong admit. Sobrang aggressive daw nila kaya 'di kami pwedeng magtagal rito.
CHAPTER 134: 4 YEARSHuminto ako para sana batiin sila pero mabilis silang umiwas. "Excuse me po!" nakangiting ani Sandy."Sorry, miss!" si Lei na nakasunod sa kanya. Napahinto ako ng ilang segundo bago ako lumingon sa direksyon nila nang pumila sila roon sa counter para mag-order. Naka-puting nursing uniform pa si Sandy pero nakalugay ang hanggang sikong buhok niya. Si Lei, naka-casual na longsleeve top sa ibabaw ng puting t-shirt at pants. Suot pa niya sa magkabilang balikat ang pink na backpack. Malamang, kay Sandy iyon. Sila pa rin pala! Ang tagal na nila. Ang tagal ko na rin silang hindi nakita...Nanlabo ulit ang paningin ko dahil sa pangungulila sa dating mga kaibigan ko pero kaagad na naputol iyon nang mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Francheska!Tumingala ako at kumurap ng ilang beses para tuyuin ang luha bago ko sinagot ang tawag niya. "Ate Reina! Anong suot mo ngayon? Ayun! Nakita na kita!" magkakasunod na aniya hanggang sa marinig ko mismo ang boses niya sa malapit.
CHAPTER 133: RESPONSIBILITY"Tama na, baby. Ang ganda mo na masyado..." bulong ni Vladimir mula sa likuran ko. Yumuko pa siya at niyakap ako mula sa leeg sabay sandal ng mukha niya sa balikat ko. Nanonod kasi siya habang nagmi-make up ako kaya awtimatiko akong napangiti at napahagikgik pa dahil sa kilig.Hinawakan ko ang maskuladong braso niyang nakapalibot sa akin bago ko iyon hinampas nang mahina. "'Wag ka nga d'yan, Vlad! Gusto mo na namang umisa, 'no?" nanunuksong pagtataray ko sa kanya bago ko ibinalik sa lagayan ang make up brush na ginamit ko sa powder blush. S'yempre, kinikilig ako sa puri niya. Pero dapat, cool lang at gusto ko rin siyang asarin."Nah-uh!" mabilis na tanggi niya at lumayo na habang malawak ang ngiti. "I just want to praise how gorgeous you are."Ngumuso ako nang humalakhak siya para tignan ang labi ko sa salamin. "Pero kulang pa sa lips ko, oh! Liner, lipstick at lipgloss pa," pagki-kwento ko sa kanya at binuksan ang drawer ng vanity cabinet ko para kunin ang
CHAPTER 132: BOYFRIENDInangat ko ang kamay para suklayin ang buhok niya at libangin ang kabadong sarili. "Attracted ako sa 'yo..." pagki-kwento ko sa kanya habang pinipigilang ngumiti sa kilig. "Ang pogi mo kasi! Tapos ang hot mo pa!" naiinis na reklamo ko.Tumawa na naman siya at gigil na pinisil ang bewang ko kaya nakiliti ako roon at umalis na sa ibabaw niya. Imbes na ibalik ako ay tumagilid siya ng higa. Itinungkod niya ang siko sa kama at ibinigay niya ang buong atensyon sa akin na parang gustong-gusto niyang makinig.Nahihiya akong nag-iwas ng tingin at humiga na lang sa unan imbes na harapin siya. "What else? I wanna hear more, baby," nanlalambing na dagdag niya kaya napatalikod ako at yumakap sa unan dahil sa kilig. Bakit ba gusto niyang malaman lahat?! Nakakahiya! Dumapa ako para umiwas nang yumakap siya sa bewang ko pero sumunod siya at pumaibabaw sa akin. "Vlad, please!" Itinulak ko siya dahil alam kong pulam-pula na ang mukha ko ngayon. Nagtago ako sa unan at hindi siya
CHAPTER 131: MILLIE"Is this enough for you?"Imbes na sumagot ay inirapan ko si Vladimir habang nagtatanong siya at naglalagay ng ulam na adobong chicken wings sa plato ko. Tatlong piraso na iyon at kahit nagugutom na dahil nakakatakam ang luto niya ay hindi ko pa rin siya pinapansin."Kukuha ako ng sa akin," pagtanggi ko at akmang tatayo pero sumunod siya at hinarangan ako."Ako na. Ano bang gusto mo?" mabilis na pigil niya sa akin. Kailangan ba talaga na ako ang magdesisyon sa lahat? "Just have a seat, please? Let me serve you," lumambot ang boses niya pero hindi ko magawang tumingin sa kanya.Naiinis ako kasi pakiramdam ko, na-basted ako kanina."Ayaw ko!" pagmamatigas ko.Narinig ko ang pag-ungol niya na parang nadismaya siya kaya ngumuso nang makatalikod sa kanya para itago ang ngisi. Bahala siyang mainis! Kanina kasi ang ganda-ganda ng mood ko, 'di siya gumanti. E 'di sana, bati na kami. E 'di sana, baka kami na ulit! Gano'n sana kabilis ang comeback namin! Pinutol pa kasi niy



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



