Tahimik ang buong lobby. Para bang lahat ng tao ay sabay-sabay natigilan matapos ang huling sinabi ko kay Stephanie. Naroon pa rin ang init ng galit sa dibdib niya, pero wala na siyang nasabi. Wala siyang nagawa kundi titigan ako, habang ako'y nakatindig ng diretso—mataas ang ulo, buo ang loob.Hindi pa man ako nakakapasok muli sa elevator ay biglang nagbukas ang malalaking pintuan ng lobby.At lahat, natahimik.Walang nagsalita.Kahit si Stephanie na halatang may sunod pa sanang sasabihin, naputol ang salita. Sapagkat ang pumasok—hindi basta-basta.Nakasuot siya ng cream-colored na coat dress, may pearl brooch sa bandang kwelyo, ang buhok niya'y neatly pulled back, at ang tindig niya—parang reyna sa gitna ng mga kawal.Tahimik ang bawat hakbang niya habang tinatahak ang marble floor ng lobby. Ni isang tunog ng sapatos niya ay hindi nagsayang ng ritmong iyon.Paglapit niya, hindi siya tumingin kay Stephanie.Sa akin siya nakatingin.Bahagyang ngumiti."Jazeah," malambing niyang bati,
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-07-10 อ่านเพิ่มเติม