Samu’t saring emosyon ang naramdaman ni Sen. Javier. Takot, kaba, awa, konsensya, galit, lahat ng iyon alam niya sa kaniyang sarili. Hindi niya lang maipaliwanag kay Francesca. Hindi niya masabi, alam niyang nasasaktan ito nang sobra. “Listen, Francesca, you are sick. I won't let you–” “Won't let me? You're the one who needs to listen, Javier, baka nakakalimutan mo na may atraso ka sa akin, sa pamilya ko.” “And why didn't you report me to the police? Francesca, hindi mo alam ang buong katotohanan at lalo na ang buong pangyayari.” Tumawa ito ng mapakla. “Of course, kasi wala naman ako do’n nung mangyari ang insidente. Isa pa, magsinungaling ka man o hindi. Ikaw lang ang nakakaalam nun, depende na lang kung may ibang taong nakakita para gawing witness. You know what, ninong, Javier or whatever, ilang beses kong inisip kung bakit mo inilihim ang lahat? Bakit hindi ka naging tapat sa ‘kin o kahit sa sarili mo na lang? Alam mong ang tagal naming naghanap ng hustisya. Ilang taon.
Terakhir Diperbarui : 2025-06-13 Baca selengkapnya