Gaya ng nakasanayan, tuwing umaga ay lihim na nagpupunta si Francesca sa gym. Nakaupo siya sa stationary bike at nagpepedal nang marinig ang nagri-ring niyang cellphone. Tumigil siya saka tumayo upang kunin ang cellphone sa loob ng bag. Natigilan siya nang makitang telephone number nila mula sa States ang nag-pop up sa screen. Kaagad niyang kinuha sa loob ng bag ang headset niya at inilagay iyon sa kaniyang tenga. “Yes, hello?” Naglakad siya at muling sumampa sa stationary bicycle. “Francesca, how you doin’?” seryoso ang boses ng kaniyang ama. “Yes, dad, good evening, I'm here at the gym. How are you? How's grandpa?” “Bakit parati kang wala sa mansion?” diretsahang tanong nito. Ang tono ng boses nito ay tila ba may kaaway. Kinabahan siya, ni hindi man lang nito sinagot kahit ni isang tanong niya. Sabi na nga ba't hahanapin siya nito kaagad kapag nalaman nito ang tungkol sa hindi niya pamamalagi sa mansion nila. Ilang araw na rin kasi siyang hindi umuuwi roon. Maaring nal
Last Updated : 2025-05-05 Read more