Home / Romance / Ninong Senator's Contract Marriage / Chapter 49 [Dating Tagpo]

Share

Chapter 49 [Dating Tagpo]

Author: Dwendina
last update Last Updated: 2025-06-22 20:53:32

Hindi makapaniwala si Francesca sa kaniyang mga narinig na balita. Kaagad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang numero ng lolo niya. Ilang sandali itong nag-ring bago sinagot. Nakahinga na sana siya nang ang matandang caregiver ng kaniyang lolo ang kaniyang nabosesan.

“Si-si grandpa?” Umaasa siyang fake news lamang ang lahat ngunit–

“Ma’am, hindi n’yo pa po ba natanggap ang balita na– na wala na po si Senior? Tumawag po ako sa mansion noong isang araw at nakausap ko po ang iyong ama.”

Hindi na niya naririnig pa ang mga sinasabi ng kaniyang kausap dahil napahikbi na siya. Pinindot niya ang button para mawala na ito sa kabilang linya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay nagdurugo na nang sobra ang puso niya.

Nagkapatung-patong na ang lahat ng kaniyang hinanakit. Mula sa lalaking palihim niyang nagugustuhan at sa ama niyang tila gumagalaw na walang pakiramdam. Ang pamilyang meron siya ay unti-unti nang nawawala sa kaniya. Ang mahahalagang tao ay siya ring kinu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 53 [Biyaya]

    Masaya si Francesca at galak na galak nang halos libutin nila ng pamamasyal ang kabuuan ng isla. Marami siyang masasayang naranasan kasama ang kaibigan. Sa loob ng isang linggo ay marami na silang napasyalan. Gaya ng nasa listahan ay ginawa nila ang mga kapana-panabik na mga bagay na hindi niya kailanman nasubukan. Sa ikalawang linggo ng pamamalagi nila roon ay nagsimula na siyang makaramdam nang kakaiba sa kaniyang sarili. Sapagkat magaan naman ang kaniyang pakiramdam nitong nagdaang linggo at nagagawa naman niya nang maayos ang ilang bagay kasama si Danica. Inisip na lamang ni Francesca na maaring epekto lamang iyon nang sobrang kalungkutan nitong nagdaan at sobra namang kaligayahan sa lahat ng kanilang mga ginawa sa isla nitong nagdaang linggo. Ginawa niyang normal ang bawat araw kahit minsan ay hindi na niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman. Ngunit imbes na mangamba, binalewala niya ang lahat. Hanggang sa isang umaga, pagkagising niya. Nakaramdam na lamang siya nang sobr

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 52 [Pamamasyal]

    “‘Di ba, nanligaw sa iyo si Dante noon, tapos binasted mo?” tanong ni Danica habang pinaglalaruan ng daliri ang keychain na nabili. Tinapunan niya ng tingin ang kaibigan bago muling tumingin sa daan.“Hindi ko siya binasted. Siya ang kusang lumayo.” “Pero, ama mo ang dahilan, tama ba ‘ko?” Tahimik pa rin siya habang nagmamaneho.“Alam mong mabait siya at mapagkakatiwalaan..” muling saad nito.“Ngunit hindi siya para sa ‘kin, Danica, may ibang nakalaan para sa kaniya and maybe iyon ang dahilan–”“At hindi ikaw ‘yon. Pero tayo naman ang gumagawa ng sarili nating kapalaran hindi ba?” Hindi niya pinansin ang sinasabi nito. “Kagaya nung babae kanina, mabait siya at bagay silang dalawa. At saka, Danica, pwede bang pigilan mo rin minsan iyang sarili mo? Kasi hindi maganda na ipinapaalam mo sa iba ang tungkol sa nangyayari sa akin nang walang permiso,” ulit niya. Natahimik ito. Ilang sandali bago muling nagsalita.“Pasensya ka na talaga, hindi na nga mauulit,” paghingi muli nito ng pauma

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 51 [Dating Kaibigan]

    Gaya ng sinabi ng kaibigan, magandang pasyalan ang mga isla na may magagandang tanawin. Isa na roon ang Camiguin sa kung saan naroroon sila. Ayon pa rito, nagsasawa na raw ito sa paulit-ulit na pag-iikot sa buong Luzon. Gusto daw nitong pasyalan naman ang ilang malaparaiso at mala-misteryosong mga lugar sa ibabang parte. Gaya na lamang ng Palawan, Aklan, at ilan pang mga isla na makikita sa Visayas na hindi pa gaanong nadidiskubre ng karamihan.Patuloy pa rin ito sa pagtingin sa mapang makikita sa cellphone na dala. Malapit na sila sa sentro ng Camiguin nang mga oras na iyon gaya ng hinihiling nitong puntahan. “Dinamay mo pa talaga ako diyan sa pagiging gala mo,” pairap niyang saad habang nagmamaneho.Patuloy pa rin ito sa pagtingin sa mapa sa cellphone’ng dala. Malapit na sila sa sentro ng Camiguin nang mga oras na iyon gaya ng hinihiling nitong puntahan. Ngumiti ito. “Siyempre, minsan na nga lang tayong mag-bonding. Tamang-tama rin naman kasi iyang sitwasyon mo para samahan ako

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 50 [Kaibigan]

    ‘Hindi ko alam kung bakit sa kaniya pa ako nagkagusto. Sa dinami-rami ng babaeng maaari kong mahalin bakit ang inaanak ko pa? Isa akong senador, kilala at iginagalang ng lahat. Ngunit, bakit hindi ko kayang panindigan iyon?’ Muli niyang tinungga at nilagok ang mapait at manamis-namis na alak. Ang init nito’y dumaloy sa kaniyang lalamunan na tila nakauuhaw pang lalo. He was so upset, at ang tanging masarap na inumin lamang ang nagpapagaan ng kaniyang kalooban sa tuwing iyon ang natitikman.Pinunasan niya ang namamasang bibig mula sa alak. “Francesca, Francesca..” banggit niya sa pangalan ng inaanak. “Bakit ikaw pa? Ano bang meron sa ‘yo na wala sa iba? Tama sila, mapili nga ako. Pero, kasalanan ko ba kung pihikan ito?” Turo niya sa kaniyang dibdib. Halos kantahin na niya ang mga katagang iyon. Nalulunod na siya sa kapangyarihan ng alak. Muli siyang tumungga nang tumungga hanggang sa makarami.‘Walang kwentang kontrata.. Ang terminong sa susunod pang taon sana matatapos ay mas napaa

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 49 [Dating Tagpo]

    Hindi makapaniwala si Francesca sa kaniyang mga narinig na balita. Kaagad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang numero ng lolo niya. Ilang sandali itong nag-ring bago sinagot. Nakahinga na sana siya nang ang matandang caregiver ng kaniyang lolo ang kaniyang nabosesan.“Si-si grandpa?” Umaasa siyang fake news lamang ang lahat ngunit–“Ma’am, hindi n’yo pa po ba natanggap ang balita na– na wala na po si Senior? Tumawag po ako sa mansion noong isang araw at nakausap ko po ang iyong ama.” Hindi na niya naririnig pa ang mga sinasabi ng kaniyang kausap dahil napahikbi na siya. Pinindot niya ang button para mawala na ito sa kabilang linya. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Pakiramdam niya ay nagdurugo na nang sobra ang puso niya. Nagkapatung-patong na ang lahat ng kaniyang hinanakit. Mula sa lalaking palihim niyang nagugustuhan at sa ama niyang tila gumagalaw na walang pakiramdam. Ang pamilyang meron siya ay unti-unti nang nawawala sa kaniya. Ang mahahalagang tao ay siya ring kinu

  • Ninong Senator's Contract Marriage    Chapter 48 [Confession]

    Hindi alam ni Francesca kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nararapat ba siyang magsaya dahil sa wakas putol na ang koneksyon nilang dalawa ng senador, na ninong niya? Ngunit, bakit may kudlit na kung anong lungkot at panghihinayang sa puso niya? Hindi niya maipaliwanag. Naalala niyang kailangan niya nga palang lumayo.‘Si Javier, nasa mansion kaya siya?’ Bigla niyang naalala na working days nga pala at hindi pa weekend. ‘Maaring nasa office siya ngayon, o nasa meeting,’ bulong niya sa sarili.“Kung gayon, maraming salamat,” saad niya sa lalaki matapos ilapag ang envelope sa kabilang seat. Kaagad naman niyang isinara ang bintana ng kotse at nagpatuloy sa pagmamaneho. Napakagat-labi siya nang lingunin ang envelope na pinaglalagyan ng kapirasong papel na nagtatapos sa kanilang dalawa ng senador. Mabilis niyang naiparada ang sasakyan sa garahe nang marating niya ang mansion ng dati niyang asawa. Nanlaki ang mata ni Delta nang makita siya at patakbo siyang sinalubong.“Naku, Miss Fr

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status