“Nasaan siya?” Sinundan niya ng tingin ang direksyon ng mata ni Michael. “Kailangan mo nang iuwi ‘yang asawa mo. Dapat hindi mo siya hinahayaang mag-isang pumunta sa ganitong lugar,” saad nito. Nakita niyang lasing na lasing na si Francesca. Nakadikit na ang mukha nito sa mesa. “Oo, alam ko. Maraming salamat.” “Buti at narito ako, dahil kung hindi maaring may nangyari nang masama diyan sa asawa mo. Hindi ko siya nakilala, ha. Malaki ang pinagbago, ‘di ba hindi naman ganyan ka-sexy si Francesca, ayon sa kwento mo?” Bahagya siyang napangiti. “Oh, siya, salamat ulit, bro.” Tumango ito. “Sige..” Bubuhatin na sana niya ito nang ibuka nito ang mga mata at bahagyang tumingin sa kaniya. Napakunot ang kaniyang noo pero hindi pa rin maitago ang kaunting kaba. Sarkastiko itong ngumisi na parang wala na sa sarili. Bakas sa mukha at galaw ang kalasingan. “Hmm, kamukhang-kamukha mo ‘yong mokong na killer na kakilala ko.” Napataas ang kaniyang kilay. “Para kayong kambal, alam mo b
Terakhir Diperbarui : 2025-06-12 Baca selengkapnya