Share

CHAPTER 83

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-05-27 06:05:42

Pagdating ng bahay ay hinatid siya ng mommy sa kwarto niya. Inalalayan siya nito'ng makaupo sa kama.

“Mom...” garagal na boses na sabi niya. “Masama ba talaga ang ugali ko? Huhuhu...” Hindi na niya napigilan ang umiyak.

“Anak...” Umupo ito sa tabi niya saka siya niyakap.

“Naalala mo ba noong mga bata pa kayo? Sa London tayo nakatira at hindi niyo kilala ang daddy niyo dahil tinago ko kayo? Hindi niya alam na may anak kami? Tinago ko kayo dahil ang akala ko kaya ko kayong buhayin na dalawa ni Earth. Oo, kaya ko, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko maibibigay ang pagmamahal ng isang ama na habang lumalaki kayo ay palagi niyo nang hinanap sa akin...”

“Naalala mo ba na palagi kayong binubully sa school dahil wala kayong daddy? Tapos kayo ang gumawa ng paraan ni Earth na makilala niyo ang daddy niyo? Alam mo ba ang feeling na ‘yon? Gusto kong alagaan kayo ng daddy niyo pero... pero ayaw kong magkabalikan kami dahil natatakot akong masaktan muli. Kung hindi ba ako nag-risk noon, ay kumple
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (12)
goodnovel comment avatar
Nimpha
madam sana Maaga ulit Ang update po
goodnovel comment avatar
Cailley beatrix Vallejos
update pls
goodnovel comment avatar
Fatima Sato
Baka nman po pwd paki damihan update nyo po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 268

    “Y-yeah. Medyo sumakit lang ang ulo ko…”“Wag mo muna pilitin na makaalala, baka makasama pa sa’yo.” nag-aalalang sabi nya saka tinulungang makahiga ng maayos si Duncan.Tumango si Duncan pero halatang may malalim na iniisip.“Babe, CR lang ako ha. Sandali lang ako,” paalam niya kay Duncan.Sila lang dalawa doon. Nagbisita na ang daddy nito kanina pero babalik daw mamaya.Pagpasok niya ng CR ay narinig niyang bumukas ang pinto sa main door at may pumasok. Iniisip niya na nurse o doctor lang para tingnan si Duncan.Mabilis niyang tinapos ang pag-ihi dahil may itatanong siya sa doctor.Paglabas niya ng banyo ay ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang isang lalaking naka-damit doctor pero may hawak na kutsilyo at akmang sasaksakin si Duncan.“Sino ka???” malakas na sigaw nyaNapatingin sa kanya ang lalaki kung kaya’t natuliro ito at nabitawan ang kutsilyo.Walang malay si Duncan, na malamang pinaamoy ng panyong may gamot dahil nakita niyang may panyo sa tabi ng ulo nito.“Tulong

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 267

    Nagdaan pa ang mga araw ay unti-unti nang lumalakas si Duncan pero hindi pa din ito nakakaalala. Andoon lang siya palagi sa tabi nito at ang nag-aalaga. Sabi naman ng doctor ay kapag makita nito palagi ang mga taong importante sa buhay nito ay madali nitong maalala ang nakaraan.“Kain ka pa, babe...” sambit niya saka ibinigay ang pinagbalatan na orange.Ngumiti si Duncan sa kanya, kahit hindi siya nito kilala, at least mabait ito sa kanya.“Hindi mo pa din ba ako naaalala?” pasimpleng tanong niya.“Hindi pa… pero kung sinasabi nila na girlfriend kita ay napakaswerte ko naman.” malanding sabi nito sabay tingin sa kanya na parang hinuhubaran siya. “Hihihi… bolero! Alam mo ba na isa kang abogado na bolero? Kaya mo ako napasagot dahil sa matamis mong dila?”Ngumisi si Duncan. “Talaga ba?”“So how’s my tongue taste like? Matamis din ba?”Namula siya sa biro ni Duncan pero sinakyan niya ang biro nito.“Hindi ko sasabihin hangga’t hindi ka maka-alala…”“Damn! Baka naman bumalik na ang alaal

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 266

    “S-sino ka?” tanong ni Duncan kay Thor.“Ako ‘to, si Thor... pinsan mo, Duncan... Magpinsan tayo.”Tahimik lang si Duncan, tinitigan si Thor na para bang sinusubukang alalahanin ang mukha nito. “I-ikaw... parang nakita na kita...”Nakita niya na nag-iba ang mukha ni Thor.“O-oo, matagal tayong magkasama. Magpinsan nga tayo, diba?”“T-Thor…” ulit ni Duncan sa paos na boses. “Ikaw… bakit…?”“B-bakit ano, bro?” mabilis na tanong ni Thor, pero halatang kabado.“B-bakit... ikaw ‘yung... huling nakita ko?…”“Anong ibig mong sabihin, babe?” tanong niya pero hindi ito sumagot.“Ah, b-baka dahil magkasama nga tayo bago siya na-disgrasya, diba?” mabilis na paliwanag ni Thor.“S-siguro,” pagsang-ayon niya.Hindi na nagsalita pa si Duncan at muling tumingin sa kawalan. Maya-maya ay pinikit nito ang mga mata. Nakatulog ulit si Duncan.“Let him rest. Kailangan pa niyang palakasin ang kanyang katawan. Huwag muna nating siyang biglain makaalala, Miss Crystal. Baka lalo siyang ma-stress,” paliwanag ng

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 265

    Lumipas ang mga araw at nailipat na rin si Duncan sa private room, pero wala pa rin itong malay. Araw-araw ay binabantayan niya ang nobyo. Hindi siya umaalis kahit sabihin pa nila Jessica at Loraine na kailangan niya ring magpahinga. Paano siya makakapahinga kung ang taong mahal niya ay hindi pa nagigising? Nakapagbisita na rin ang mommy at daddy niya doon. Dinadalhan lang siya ng mga gamit niyang pamalit. Hindi naman siya mapipilit ng mga ito kung ayaw niyang umuwi. Sila lang dalawa ni Duncan sa araw na iyon. Maingat niyang hinaplos ang kamay nito. “Duncan, please... gumising ka na,” bulong niya habang pinipigilan ang luha. “Ang tagal mo nang natutulog... miss na miss na kita.” Napatingin siya sa pinto nang pumasok si Thor. “Crystal, magpahinga ka muna. Ako muna ang magbabantay,” may dala itong paper bag ng pagkain. “Hindi ka pa rin kumakain, diba?”Umiling siya. “Ayokong umalis. Baka sakaling magising siya habang wala ako.” Huminga nang malalim si Thor. “Crystal, ilang araw ka

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 264

    CRYSTAL'S POV:Hindi niya mapigilan ang umiyak habang nakatingin kay Duncan na puno ng tubo sa katawan. Ang sabi ni Thor ay magkasama daw silang tatlo ng hinarang ng mga tauhan ni Asia at Ruby. Pero si Duncan lang ang sinaktan.Bakit ganun? May pagkakataon na ang mga tauhan na makuha siya dahil wala siyang malay nun. Ilang beses ba naman siya turukan ni Asia ng pampatulog. Sa tuwing magigising siya ay tinuturukan agad siya kaya ganoon na lang na hindi siya magising.Maya-maya ay lumapit si Thor sa kanya. Inakbayan siya nito. Inihilig niya ang kanyang ulo sa dibdib nito. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.“Thanks, Thor. Thank you sa pagligtas mo sa akin.”“Its okay, Crystal. Gagawin ko ang lahat para sa’yo. Kung ano man ang mangyari kay Duncan ay andito lang ako palagi. Huwag mong kalimutan ‘yan.”Tumango siya pero pilit niyang iwinawaksi sa kanyang isip na may mangyayari kay Duncan. Walang mangyayari kay Duncan! Mabubuhay ito at magsasama sila ng matagal... magpapakasal sila at m

  • IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)   CHAPTER 263

    Pagdating nila sa ospital ay agad tumakbo si Crystal papasok sa loob ng emergency room. Sumunod siya, pilit pinapanatiling kalmado ang sarili kahit pakiramdam niya ay kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Nakita nila sina Jessica, Loraine, at ang ama ni Duncan na si Tito Ricardo sa labas ng ICU. Nakaupo ito sa bangko, hawak ang ulo, halatang pagod at nag-aalala. Nang makita sila ni Crystal ay agad itong tumayo.“Crystal!” tawag ni Jessica, sabay lapit at yakap sa kanila. “Thank God you’re safe. Akala namin pati ikaw ay sinaktan nila. Napakasama talaga ni Asia at Ruby!”“Nasaan si Duncan?” putol ni Crystal, halos nanginginig ang boses habang tumutulo ang luha.“It’s okay, iha, nasa loob siya. Pero... mahina pa ang tibok ng puso niya. Kailangan nating ipagdasal na magising siya.” sabi ni Tito Ricardo.Hindi na nakapagpigil si Crystal. Agad itong lumapit sa pintuan ng ICU at doon ay sinilip si Duncan sa loob. Puno ng tubo, halos maputla na ang kulay, at may benda sa dibdib.“Duncan...” bulo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status