“Lyl, sandali lang,” habol niya sa akin. “Magpapaliwanag ako.” “Para saan pa, Raze? Sa tingin mo nakakatuwa ang ginawa ng daddy mo? Na idamay ang mga magulang ko para mapapayag ako? Para pagtakpan ka? Magsinungaling? You could’ve just told me, Raze.” Hinihingal kong bwelta dahil sa pinaghalong inis at galit. “H-Hindi ka papayag kung sinabi ko agad sa’yo ang totoo,” aniya na nagpatigil sa akin sa paglalakad. “I’m sorry.” “Para pakasalan kita, kailangan mong magsinungaling sa akin? Gano’n ba ‘yon, Kapitan? Na gamitin ang mga magulang ko?” "I didn't intend to involve your parents, Lyl. It wasn't me..." “It’s your father,” diin ko. “A manipulator.” Nakita kong natigilan siya. “Hindi niya rin intensyon na gamitin ang—” “Of all reason, bakit sila? Dahil bibigay agad ako? Tinanggap ko na nga ‘yong pakiramdam na parang minamaliit nila ako para sa’yo pero b-bakit Raze? Nananahimik na nga ‘yong mga magulang ko, oh.” Nagsimulang manlabo ang mga mata ko dahil sa namumuong luha.
최신 업데이트 : 2025-04-23 더 보기