“You're being delusional again, Sheila. Nagkaroon lang kami ng hindi pagkakaunawaan ng asawa ko tapos ngayon, sasabihin mong pinili kita? Hm, I can't seem to remember that.” Palihim akong napangiti sa sinabi ni Raze. Kung pwede lang tumalon sa tuwa, ginawa ko na. Ngiti-ngiti akong umalis ng kama at panaka-nakang lumapit sa pintuan upang marinig ang pinag-uusapan nila. “So, you used me huh? Para saktan siya, kailangan mong gamitin ako?!” Napamaang ang bibig ko sa sinabi ni Sheila. Kung gano'n, ginamit lang siya ni Raze? I want to hear more! “Tone down your voice, Sheila. Natutulog pa ang asawa ko.” Napalunok ako dahil sa lamig ng boses ni Raze na tila nagbabanta. “I didn't use you, Sheila. Ikaw ang kusang lumalapit sa akin. Tingin mo ba hindi ko alam?” Kumabog ang dibdib ko sa sinabi nito. Hindi alam na ano? “W-Wala akong alam sa sinasabi mo,” Sheila's voice trembled. “I have no idea—” “I was blinded and corrupted by your words, trying to convince me just to ruin my rel
Terakhir Diperbarui : 2025-05-13 Baca selengkapnya