“Ahmm.. Ehem..” napatingin ako kay Mia nang tumikhim ito. Doon ko lang napagtanto na kahit nasa loob na kami ng apartment ay hawak pa rin ni Cassian ang kamay ko. Naiilang naman akong nag-iwas ng tingin at pilit inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan. I gave him a warning look pero nagkunwari itong walang nakita kaya inirapan ko na lang siya. “A-ah guys.. Alis na pala muna ako hehe,” wika ni Mia.Gulat naman akong napatingin sa kaniya. “A-anong aalis? Walang aalis!” tarantang sambit ko.Pagkatapos na akong hikayating papasukin ang taong ito ay iiwan niya akong mag-isa kasama siya? Anong katarantaduhan to?“Ely, may nakalimutan pala ako sa work ko,” palusot ni Mia. “Mia. Tapos na ang working hours bukas mo na lang balikan.” Hindi ako papayag na aalis siya. My gosh, kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ay hindi ko na ‘to pinapasok pa.“Ely, importante ‘yon. At isa pa, may party akong pupuntahan so baka hindi ako makauwi ngayon,
Terakhir Diperbarui : 2025-05-24 Baca selengkapnya