“Nakakainis talaga yang Vivienne na ‘yan! Kung bakit ba kasi dinala pa yan dito ni Carsen!” kanina pa ako nakikinig sa inis ni Mia. Pakiramdam ko ay nanggagalaiti siya sa tuwing nakikita niya ang anino ni Vivienne. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa babaeng neon na ‘yon.“Ang sabi sa akin ng asawa ko ay dahil daw sa trabaho.” Sumubo ako ng ice cream. “Trabaho? Nagbabakasyon tayo, trabaho pa rin? Napaka-workaholic naman niya!” kita ko pang napairap ito.Simple na lang akong napatawa. Kanina pa siya nagsasalita ng kung ano-ano, tunay na tuloy ang ice cream niya. “Aminin mo na lang kasi, Mia.”“Ano?!” may halong pagkainis ang tono nito.“Na nagseselos ka.” Tinaas-baba ko pa ang dalawang kilay ko.“Hoy! For your information, hindi noh!” pagtanggi nito. “I hate him!” Napatango-tango na lang ako. “Eh paano ba ‘yan? The more you hate, the more you love.”Akmang hahampasin na niya ako ngunit nakailag ako kaya tinawanan ko siya. “Tigil-tigilan mo nga ako, Eloise! Hindi ko siya magugus
Last Updated : 2025-10-24 Read more