Tatlong taon na ang nakalipas simula noong maghiwalay sina Eloise at Cassian dahil matinding awayan ng kanilang mga pamilya. Napagtanto ni Cassian na mahal niya pa rin si Eloise kahit ilang taon pa ang nakalipas, nagsisi siya kung bakit iniwan niya ang babaeng pinakamamahal at sinisi sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at desididong hanapin si Eloise. Nais niyang makabawi sa lahat ng sakit na idinulot niya rito at sa pag-asang tatanggapin siyang muli nito at ipagpatuloy ang naudlot nilang relasyon. Ngunit nalaman niyang nalubog na sa utang ang pamilya ni Eloise. Nakita itong oportunidad ni Cassian upang muling kumonekta sa dalaga. Inalok niya ito ng kasal kapalit ng pagtulong niya sa pagbayad ng utang ng kaniyang pamilya. Kahit na mayroong pag-aalinlangan sa dibdib ni Eloise ay tinanggap niya ang kasunduan at naging tulay ito upang ipagpatuloy nilang muli ang nagwakas nilang pag-ibig. Sa kabilang banda naman ay ang kanilang kasiyahan ay panandalian lamang nang malaman ni Carsen, nakababatang kapatid ni Cassian ang muling pakikipag ugnayan sa pamilya ni Eloise, na sanhi ng pagkamatay ng kanilang ina. Dulot ng matinding galit ay handang gawin ni Carsen ang lahat upang maputol ang namumuong ugnayan ng dalawa. Gagawin niya ang lahat upang mawala sa paningin nila si Eloise kahit pa ang tanging paraan lang ay kamatayan. Ang matinding pagkamuhi ba ng kanilang pamilya sa isa't isa ang magiging rason sa tuluyang paghihiwalay ng dalawa? O sapat ba ang kanilang pag-ibig upang puksain ang namumutawing poot na bumabalot sa kanila?
Lihat lebih banyak“Hoy tekaaaaa!” napatakip ako sa tenga sa sigaw ni Mia. Sobrang excited pa ng tono nito at para bang ready na siyang manapak dahil sa sobrang tuwa. Para siyang asong kinain na tuluyan ng rabies. “Seryoso baaa?!” hindi makapaniwala ng tanong nito.Niyuyugyog niya pa ako na para bang nakarinig siya ng isang himala. “Oo nga!” kunwari naiinis na wika ko. Pero ang totoo ay natutuwa rin ako sa reaksyon niya. Sadyang ayoko lang magpahalata na nakakatawa siya at baka lumaki ang ulo. Baka mag audition sa circus bigla eh. “Weh?” tanong pa nito ulit.Abot tenga na ang ngiti nito. Parang mapupunit na ang labi eh.“Oo nga, kulit mo talaga.” Napailing-iling ako. “Weehhh? Sure? Sure na talaga?” hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang nagtanong.“Huwag ka na lang kaya sumama,” biglang sambit ko na siyang ikinawala ng ngiti nito.Napabagsak ang mga balikat nito at napanguso habang nagpapatawa ng nakatingin sa akin. Naitikom at kinagat ko ang sariling dila sa loob ng bibig ko upang pigilan a
“I'm so tired, Cassian.” Kumandong ako sa kaniya.Niyakap niya naman ako mula sa likuran ko. Hindi pa rin ako makapaniwala ng nagawa iyon ni Daddy sa akin.“I'm here, Lily. I'll always be here.” He kissed my shoulder. Muli akong napatahimik. I'm always grateful for my husband. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon kung wala siya. “What's wrong?” tanong nito.Napansin niya yatang tumahimik ako bigla at malalim ang iniisip. Napabuntong-hininga na lamang ako at humarap sa kaniya. “Bakit kaya nagawa iyon sa akin ni daddy?” may halong sakit ang tono ng boses ko.Tiningnan niya naman ang kabuuan ng mukha ko. Hindi ko tuloy maiwasang mailang dahil sa ginagawa niya. Bakit ba ang hilig niyang gawin yan? Ganyan na ba ako kaganda sa paningin niya? Charot!Namula ako nang ayusin niya ang ilang hibla ng buhok ko. “I don't know either, wife. But one thing I'm sure of is that I'll never let that happen to you ever again,” he said with full determination in his voice.Ang isa pa sa nagustu
“What are you talking about, Cassian?” naguguluhang tanong ko. Hinapit naman niya ang bewang ko at inayos ang buhok na tumatabon sa mukha ko. “I won't repeat myself again, Eloise. File the divorce now or—”“Or what?” hamon ko rito.Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita dahil ayan na naman siya sa pagbabanta. Kung hindi ko ito gagawin ay ganyan ang mangyayari. Sawang-sawa na akong maging sunod-sunuran sa kaniya. Hindi na sumagot si Daddy ngunit nanggagalaiti niya akong tiningnan. Para bang gusto niya akong puksain sa paraan ng pagtingin niya.“How about you explain us your connection to Eloise’s kidnappers?" My heart stopped. Biglang nanlamig ang katawan ko sa narinig. Iniiwasan namin itong pag-usapan noon dahil para akong ibinabalik nito sa lugar na iyon.It was a total nightmare for me. “What the heck are you talking about?” Inis na wika ni daddy.Nagkibit-balikat lang si Cassian. “I don't know? You tell us.”Ramdam ko na ang pamumutla ng labi ko. I’m not ready to talk ab
“Watch your mouth,” he warned, his voice a low growl. “I won't stand for you talking to my wife that way.”Napatingin ako kay Cassian dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay may kakampi ako. Pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa dahil nandiyan siya para protektahan ako.“What are you doing here anyway?” may bakas ng iritasyon sa boses ni daddy.Hindi pa rin binibitawan ni Cassian ang kamay ko. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak at mas inilapit ako sa kaniya.“I'm here to take back my wife,” wika nito. “Have you lost your mind?” sarkastikong tumawa si daddy. Hindi naman nagpatinag si Cassian at nakipag palitan ito ng tingin. “Are you talking about yourself?” tugon nito na mas lalong nagpainit ng ulo ni daddy.Muli akong tiningnan ni daddy. Binigyan niya ako ng nakakatakot na tingin. Ngunit sa kauna-unahang beses ay hindi ako nakaramdam ng takot dahil alam kong nandito ang asawa ko para protektahan ako.“I thought we already talked about this, Eloise?!” galit na sigaw nito sa akin.
ELOISE’S POV We already landed in Manila. Napagdesisyunan naming bumalik na muli sa Pilipinas at ipagpatuloy ang naudlot naming buhay. Naiwan naman sa London si Mia at Linda. “I'm sorry, Cassian. I was a fool. Niloko ako ng sariling pamilya ko.”Kanina pa mabigat ang dibdib ko dahil sa mga rebelasyong nalaman ko. All this time, akala ko ay inabandona ako ng asawa ko. Akala ko ay hindi na niya ako mahal kaya umalis siya. Pinaniwala nila ako sa mga kasinungalingan nila. They all fooled me. “It's not your fault, wife. Don't blame yourself.” He cupped my face and gave me a forehead kiss.Napapikit ako habang dinadamdam ang sarap ng halik niya. Pinaniwala nila akong masama si Cassian at sobrang tanga ko dahil pinaniwalaan ko iyon. Sumasakit ang dibdib ko sa isiping para kong pinagdudahan ang pagmamahal ni Cassian para sa akin. Mahigpit niyang pinagsakop ang mga palad namin. Maya-maya pa ay may tumawag sa cellphone ko.* Daddy is calling *Nagkatinginan kami ni Cassian. He nodded as a
3RD PERSON’S POVNapahilot sa sentido si Cassian habang isa-isang tinitingnan ang mga litrato ng salarin sa likod ng pag-kidnap kay Eloise. Hindi ito makapaniwala sa nakikita ngayon. “Bullsh*t!” bulalas nito. Maging si Carsen ay halo-halo ang mga iniisip ngayon. “He's a psychopath. No doubt.” Matagal na silang nagi-imbestigador tungkol sa nangyari ilang buwan na ang nakalilipas. Ngunit ngayon ay unti-unti na nilang nakokonekta ang lahat ng mga nangyari.“He planned all of this,” Cassian uttered. “How can he do that to his own daughter?”Halos mapunit na ni Cassian ang mga litratong hawak. Sa litrato ay kitang-kita ang pagkausap ni Don Flaubert sa mga lalaking nakasuot ng itim na salakot. Makikita rin na nag-alok ito ng malaking pera sa mga salarin. Mas lalong nadadagdagan ang galit ng magkapatid kay Don Flaubert lalo na sa kanilang mga natuklasan ngayon. Para sa kanila ay tuluyan nang masama ang Don dahil patuloy itong naghahasik ng lagim.“Kahit ang sarili niyang anak ay hindi ni
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen