HUNTER’S POV Dahil naipit kami ni Nathalie sa traffic ay nagkaroon ako nang pagkakataon upang i-seduce siya at halatang-halata ko sa kanya na nadadala siya sa ginawa kong pagtanggal ng button ng polo ko. “Wala na bang ibang way na p’wede tayong daanan?” tanong sa akin ni Nathalie nang halos isang oras na kami rito sa kahabaan ng Ortigas Avenue papuntang Antipolo City kung saan naghihintay sina Detective John at David. “Ito na ‘yong last route na alam kong p’wede nating daanan. At kita mo naman sa Edsa pa lang sobrang haba na ng traffic,” mabilis kong tugon kay Nathalie. “Sana pala umikot na lang tayo Laguna papuntang Antipolo,” muling sabi ni Nathalie. “Don’t worry, makakarating din tayo ng Antipolo,” tanging sagot ko kay Nathalie at nag-focus na akong mag-drive kasabay nang pagtanggal ko pa ng mga butones ng aking polo upang tuluyang lumantad ang mga pande-pandesal sa aking katawan. Lumipas pa ang halos isang oras ay nakarating na kami ng Sumulong Highway papuntang Antipolo. Sa
Last Updated : 2025-12-18 Read more