NATHALIE’S POV “Type AB?” paniniguro ko kay Dra. Laredo. “Yes, Leila blood type is AB, at kailangan na siyang masalinan as soon as possible,” diretsong pahayag ni Dra. Laredo na naghihitay kung sino ang ka-match sa amin ni Hunter. Tumingin ako kay Hunter, “Hunter, ikaw siguro ang ka-match ni Leila. Kasi type-B ako,” sabi ko kay Hunter na ikinakunot ng kanyang noo sa hindi ko alam na dahilan. “I’m not type-AB, type-O ako,” mabilis na tugon ni Hunter. “Wala sa inyong ka-match? Its so weird,” mga salitang lumabas mula sa labi ni Dra. Laredo at naging dahilan upang magkatinginan kami ni Hunter. Ayokong mag-isip nang kung ano dahil alam kong galing sa sinapupunan ko si Leila. Siguro ay nagkataon lang na walang ka-match sa amin dalawa ni Hunter. “Doc, natural bang walang maging ka-match sa amin si Leila? As far as I know dapat may ka-match siya sa amin,” seryosong wika ni Hunter. Huminga muna nang malalim si Dra. Laredo bago siya muling magsalita. “Minsan may pagkakataon na hindi ka
Last Updated : 2025-09-19 Read more