HUNTER’S POV Pagkatapos kong sabihin lahat kay Nathalie ang mga nalaman ko tungkol kay Tita Victoria ay Nakita ko sa mga mata niya ang galit at pag-aalala para sa aming anak na si Leila na ngayon ay kasama ni Tita Victoria sa Philippine Heart Center. “Hunter, kailangan natin puntahan si Leila,” sabi ni Nathalie na may kasamang pag-aalala. Tumango ako at ngumiti kay Nathalie. “Yes, Nathalie, pupuntahan na natin ngayon si Leila. But you need to promise me na hindi ka magpapahalata kay Tita Victoria na may alam ka na sa kanya. Baka makakutob siya sa atin,” pakiusap ko kay Nathalie na mabilis niyang tinanguan. “Promise, Hunter, hindi ako magpapahalata sa kanya,” mabilis na tugon sa akin ni Nathalie. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos namin mag-usap ay biglang mababago ang kanyang mood, kung kanina ay galit na galit siya sa akin, ngayon naman ay parang ako lang ang kakampi niya. At sasamantalahin ko ang pagkakataon na ito upang muli kong makuha ang kanyang puso. I will do anything f
Last Updated : 2025-09-07 Read more